Zanjoe, Ria nag-honeymoon sa Balesin kasama ang Atayde family

Zanjoe, Ria ‘nag-honeymoon’ sa Balesin kasama ang buong Atayde family

Ervin Santiago |April 03,2024
facebook
share this

Zanjoe, Ria ‘nag-honeymoon’ sa Balesin kasama ang buong Atayde family

Ervin Santiago - April 03, 2024 - 06:18 AM

Zanjoe, Ria nag-honeymoon sa Balesin kasama ang buong Atayde family

Zanjoe Marudo, Ria Atayde, Gela Atayde, Sylvia Sanchez, Xavi Atayde, Arjo Atayde at Maine Mendoza

KASAMA na ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo sa Holy Week vacation ng Atayde family sa Balesin Island sa Polilio, Quezon.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naka-join ang aktor sa pagbabakasyon ng pamilya Atayde sa isang beach getaway bilang asawa ng aktres na si Ria Atayde.

Ibinahagi ni Zanjoe sa kanyang Instagram account ang ilang litrato niya with his wifey Ria na kuha sa Balesin. Nasa mga photos din ang parents ni Ria na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde.

“Happy Easter Sunday!” ang isinulat na caption ni Zanjoe sa kanyang post.

Baka Bet Mo: Banat ni Heart sa basher na tumawag sa kanya ng baog: Ul*l…the only word you can understand

May ilang pictures din kaming nakita sa socmed account ni Zanjoe kung saan kasama rin ang kapatid ni Ria na si Congressman Arjo Atayde at ang misis nitong si Maine Mendoza.

Present din sa kanilang Balesin sojourn ang dalawa pang kapatid ni Ria na si “Senior High” actress Gela Atayde at ang bunsong si Xavi Atayde.

Kung hindi kami nagkakamali, ito rin ang unang pagta-travel nina Ria at Zanjoe bilang married couple after ng intimate civil wedding ceremony nila last March 23.

“Honeymoon but with the whole family,” ang comment ni Gela sa post ni Zanjoe.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa IG photos ni Zanjoe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo)


Happy Easter to a beautiful and loving family!!!”

“Ang saya tumatagos ang pagmamahalan. Happy for you guys.”

Baka Bet Mo: Bonggang kasal ng kongresista sa Balesin binatikos nina Agot, Pokwang at Enchong; naawa sa mga PUV driver

“You finally found whom your soul loves kuya! God bless your marriage.”

Nauna rito, may bonggang pa-shoutout ang nanay ni Ria na si Sylvia para kay Zanjoe. Aniya, “@onlyzanjoemarudo mula noon welcome ka na sa pamilya namin, ginawa mo ng official noong 3-23-24.

“Sabi nga ng Daddy @xaviiart (Art Atayde) mo sa speech nya, ang aming pangatlong lalaking anak. Kaya officially welcome to the Family Z anak.

“Ang saya saya ng puso ko. I love you both so much Mr & Mrs Zanjoe Marudo. This is truly a Happy Easter Sunday to Remember,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Ria Atayde (@ria)


Nag-post din ng mensahe si Gela sa socmed para kina Ria at Zanjoe, “Kuya Z @onlyzanjoemarudo, you’re finally officially my kuya.

“Thank you for being the most genuine, supportive, and caring kuya to me, and now, ex-boyfriend to my ate. Your strong family values have always been a source of comfort, knowing that you would take care of not just my sister, but us siblings and your future family as well.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Congratulations to the both of you. My heart is at peace in knowing that my sister is being entrusted to someone as loving and lovable as her. I am right behind the both of you, sasalo at sasalo always in all ways,” dugtong pa ng Kapamilya young actress-dancer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending