Ria Atayde mahihirapang magbuntis dahil sa PCOS, ‘miracle’ pag nagkaanak
MISMONG ang kapatid na ni Ria Atayde na si Gela Atayde ang nagsabing hindi buntis ang kanyang ate tulad ng mga naglalabasang chika sa social media.
Ayon kay Gela, na huling napanood sa hit Kapamilya series na “Senior High“, fake news ang balitang nabuntis na ni Zanjoe Marudo ang kanyang fiancée at magkakaroon na sila ng baby.
Sey pa ng young actress-dancer, na-diagnose ng Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) si Ria kaya mahihirapan daw itong mabuntis agad.
Pero nabanggit din ng anak ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez na may plano rin naman talaga sina Ria at Zanjoe na bumuo ng sariling pamilya, lalo pa’t nasa edad na rin ang dalaga para magkaroon ng anak.
Baka Bet Mo: Pauleen tuloy ang laban: Living with PCOS is no joke
“For me I can’t say much yet. For now, no. They’re trying that’s for sure. My sister has PCOS and it would be a miracle if she has a child.
“Well, at least my parents also are supportive for that my sister nga kasi is at the age, turning 32 this year medyo kailangan na din,” ang pahayag ni Gela sa panayam ng ABS-CBN.
View this post on Instagram
Ayon pa kay Gela, kasundo rin niya si Zanjoe at botong-boto naman siya sa aktor para kay Ria. Aniya, naiyak pa nga siya nang mag-propose ang aktor sa kanyang kapatid.
“I love Kuya Z, I was so happy that when they told me, I cried. I love how Kuya Z proposed to her, he just did it in bed just both of them just woke up so we weren’t there,” aniya pa sa naturang interview.
Last month, ibinandera nga ng celebrity couple ang kanilang engagement pero wala pa silang ibinibigay na detalye about their wedding plans.
Sa isang panayam, inilarawan ni Ria ang relasyon nila ni Zanjoe, “Happy. Settled. It’s nice. I mean, I used to be in a relationship being passionate in the sense na parati kayong nag-aaway, parating umiiyak kasi yun ang napapanood natin.
“Hindi pala, it’s comfortable and easy. He’s very easy to get along with,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.