Jasmine hindi buntis; tambalang JasRu ‘hugutan showdown’ sa ‘Cara X Jagger’ | Bandera

Jasmine hindi buntis; tambalang JasRu ‘hugutan showdown’ sa ‘Cara X Jagger’

Ervin Santiago |November 07,2019
facebook
share this

Jasmine hindi buntis; tambalang JasRu ‘hugutan showdown’ sa ‘Cara X Jagger’

Ervin Santiago - November 07, 2019 - 12:01 AM

JASMINE CURTIS SMITH AT RURU MADRID

MARIING itinanggi ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis na buntis siya.

Maraming netizens kasi ang nagtanong kung pregnant na siya nang makita ang litrato niya sa Instagram na medyo nakaumbok ang tiyan.

Sa nasabing litrato, makikita ang dalaga na nakayakap sa kanyang boyfriend na si DOT 4A regional director Jeff Ortega na kuha noong nagbakasyon sila sa La Union.

Nakasuot ng black shirt si Jeff at naka-nude tone bikini naman si Jasmine kaya kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. Sa comments section ng IG post ng aktres, may mga nagtanong nga kung buntis siya.

Ayon kay Jasmine hindi siya buntis, “bloated at busog” lang daw siya nang makunan sila ng kanyang dyowa together.

At para patunayan nga na hindi siya pregnant, isinuot ni Jasmine ang kanyang sexy little black dress sa premiere night ng movie nila ni Ruru Madrid, ang “Cara X Jagger” na ginanap sa SM Megamall cinema 1 nitong Martes.

In fairness, ang sexy-sexy ni Jasmine sa kanyang OOTD, habang equally-gorgeous and handsome naman ang leading man niya na si Ruru sa kanyang gray suit. Kung hindi mo nga alam na may kanya-kanya na silang special someone ngayon ay aakalain mong magdyowa sila because they really compliment each other.

Samantala, pinatunayan nina Jasmine at Ruru na may ibubuga rin ang kanilang tambalan sa latest hugot movie na “Cara X Jagger” na idinirek ni Ice Idanan under APT Entertainment and Cignal Entertainment.

Yes, mga besh! Masakit ang mga hugot nina Ruru at Jasmine sa pelikula na gumaganap nga bilang mag-ex na sina Jagger at Cara. Hindi maganda ang naging paghihiwalay nila noon pero kailangang “magbalikan” para magkaroon ng closure. Pero ang pangunahing rason kung bakit pumayag si Cara na “balikan” si Jagger ay para makatulong sa pagbalik ng mga alaala nito na nawala matapos maaksidente sa motor.

May health condition si Cara sa kuwento – siya ang taong hindi nakakalimot, lahat ng mga nangyari sa kanya in the past ay naaalala pa rin niya hanggang sa kaliit-liitang detalye at lahat ng masasaya at masasakit na tagpo sa naging relasyon nila ni Jagger ay kailangan nilang ulitin at balikan sa pagbabaka-sakaling gumaling agad ang binata.

Pero habang binabalikan nila ang kanilang past, magkahalong kaligahayan at sakit ang naramdaman ni Cara kaya ang tanong – kakayanin pa kaya niyang ituloy ang pagtulong kay Jagger kahit na doble na ang sakit na nararamdaman niya? At kaya ba niya talagang ulitin ang tagpo kung kailan sila nag-break ng lalaking pinakamamahal niya?

In fairness, ang lakas din ng chemistry nina Ruru at Jasmine – effortless ang kanilang akting bilang mag-ex, talagang mararamdaman mo ang pinagdaraanan nila as a couple na nawasak ang relasyon nang dahil sa third party. Pero posible nga bang magkabalikan pa ang dating magdyowa kahit na alam ng girl na hinding-hindi na mabubura ang isang pagkakamali na nagawa ng guy?

Sure kaming makaka-relate ang mga manonood sa kuwento ng “Cara X Jagger” dahil para ito sa lahat ng nagmahal, nasaktan, niloko, pero umaasang matatagpuan pa rin ang taong mamahalin nila hanggang ending.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ngayon sa lahat ng sinehan ang “Cara X Jagger” sa direksyon ni Ice Idanan na na-master na rin ang paggawa ng hugot movies. May special appearance rito ang sister ni Jasmine na si Anne Curtis at ang award-winning veteran actor na si Dante Rivero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending