Gela Atayde gusto ng baby girl na pamangkin kay Arjo, ibinuking ang 'ugali' ni Maine bilang sister-in-law: 'Pareho po kaming kalog' | Bandera

Gela Atayde gusto ng baby girl na pamangkin kay Arjo, ibinuking ang ‘ugali’ ni Maine bilang sister-in-law: ‘Pareho po kaming kalog’

Ervin Santiago |August 22,2023
facebook
share this

Gela Atayde gusto ng baby girl na pamangkin kay Arjo, ibinuking ang ‘ugali’ ni Maine bilang sister-in-law: ‘Pareho po kaming kalog’

Ervin Santiago - August 22, 2023 - 07:38 AM

Gela Atayde gusto ng baby girl na pamangkin kay Arjo, ibinuking ang 'ugali' ni Maine bilang sisterlaw: 'Pareho po kaming kalog'

Gela Atayde, Arjo Atayde at Maine Mendoza

PURING-PURI ng bagong Star Magic artist na si Gela Atayde ang kanyang sister-in-law at wifey ni Arjo Atayde na si Maine Mendoza.

Puro magaganda at positibong salita ang sinabi ni Gela about Maine at talagang magkasundung-magkasundo raw sila mula pa noong ipakilala sa kanila ng kanyang Kuya Arjo ang TV host-actress.

Nakachikahan namin si Gela sa presscon nang pag-welcome sa kanya ng Star Magic at dito nga siya natanong kung kumusta ang relationship nila ni Maine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sagot ng anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde, super chika raw talaga sila ng wifey ni Arjo, “Very kalog naman talaga si Ate Maine. Yeah, ‘yung dynamic talaga niya with my family, especially with my dad, ganu’n na talaga.

“Pareho kami ni Ate Maine, na parehong kalog!” pahayag pa ni Gela na handang-handa nang sumabak sa larangan ng pag-arte. Sa katunayan, isa siya sa mga bibida sa upcoming Kapamilya series na “Senior High.”

Ito naman ang naging mensahe ni Maine para sa mga accomplishments ni Gela, kabilang na ang pagiging world champion ng kanilang dance group na Legit Status, “We’re so, so proud of you. We’ve seen your passion and dedication. We just couldn’t be prouder, especially your Kuya Arjo.

“Lalo na ikaw yung tumuloy at tumupad ng pangarap niya. And we’re just excited to see the incredible heights that you’ll reach in dancing and acting also.

Baka Bet Mo: Arjo muling ibinandera ang pagmamahal kay Maine: I love you in all ways, more and more…every day!

“So congratulations, again. Know that Ate Maine is always here for you except for dancing and acting kasi alam mong walang maitutulong si Ate Maine sa iyo sa areas na yun. But I’m just here to support you in everything. Love you Gels!” ani Maine.

Natanong din si Gela kung ano ang mas type niyang maging unang pamangkin kina Maine at Arjo, excited na sagot ng actress-dancer, “Oh my gosh! Babae!”

Tungkol naman sa boyfriend ng sisteraka niyang si Ria Atayde na si Zanjoe Marudo, super close rin daw silang dalawa at botong-boto rin siya sa aktor para sa ate niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Si Kuya Z madalas naming kasama. Whenever I’m with Ate Ria, usually magkasama naman sila!” ani Gela.

Samantala, sa tanong naman kung ano ba ang mas priority ni Gela ngayon, dancing ba o acting, “Sa totoo lang po acting. Kasi po nu’ng bata pa ako, ako ang buntot ni Mommy (Sylvia).

“Lagi po akong kasama ni Mommy sa mga taping niya. Nag-audition din po ako sa Goin’ Bulilit. Pero nang magpaalam na po ako sa school hindi sila pumayag kaya that time po gusto ko nang mag-quit sa Poveda,” kuwento ng dalaga.

Pag-amin pa ni Gela, may nararamdaman talaga siyang pressure ngayong sumabak na rin siya sa pag-aartista tulad nina Arjo at Ria at ng nanay nilang award-winning actress din na si Sylvia.

Sey ni Gela, “Siyempre may pressure po, pero, nandoyan po naman si Mommy. Sabi nga niya, ‘nak kaya mo yan. Basta nasa puso mo ang ginagawa mo.”

Walang arte-arte ring inamin ni Gela na may boyfriend din siya na isang non-showbiz guy.

Gela Atayde pinaiyak ni Sylvia Sanchez sa presscon, binalaan sa pagpasok sa showbiz: ‘Kapag ‘di ka magaling umarte, bubugbugin kita…pero joke lang po yun’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anak ni Sylvia Sanchez na si Gela Atayde 2 years old pa lang sumasayaw na ng ‘Otso Otso’, naimpluwensiyahan ni Arjo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending