Bonggang kasal ng kongresista sa Balesin binatikos nina Agot, Pokwang at Enchong; naawa sa mga PUV driver | Bandera

Bonggang kasal ng kongresista sa Balesin binatikos nina Agot, Pokwang at Enchong; naawa sa mga PUV driver

Ervin Santiago - August 15, 2021 - 03:10 PM

Claudine Bautista, Pokwang, Agot Isidro at Enchong Dee

BASAG na basag sa mga netizens si Congresswoman Claudine Diana “Dendee” Bautista matapos ang bonggang wedding nila ni Jose French “Tracker” Lim sa Balesin Island Resort sa Polilio, Quezon.

Hindi rin napigilan ng ilang kilalang celebrities ang kanilang galit at pagkadismaya nang kumalat sa social media ang engrande at napakagarbong kasal ng partylist  representative na Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.

Base sa mga kumalat ng litrato sa social media, ang wedding gown ng kongresista ay gawa ng sikat na international fashion designer na si Michael Cinco habang ang celebrity event stylist na si Gideon Hermosa naman ang nagdisenyo ng venue.

Kinuwestiyon ng madlang pipol, kabilang na nga riyan sina Enchong Dee, Pokwang, Agot Isidro at Ogie Diaz ang nasabing kasalan sa gitna ng pandemya kung saan libu-libong jeepney at taxi driver ang patuloy na naghihirap dahil sa kawalan ng regular na sahod at pagkakakitaan.

Tinawag na “insensitive” at “kawalan ng malasakit” ng mga netizens ang marangyang kasal ng kongresista habang namomroblema ang mga driver kung saan sila kukuha ng pangtustos sa kanilang mga pamilya habang patuloy pa rin ang tigil-pasada dahil sa pandemya.

Unang nag-tweet ang Filipina drag queen na si Deedee Holiday tungkol dito. Ipinost niya ang ilang litrato ng kongresista kabilang na ang mga wedding photos nito.

Aniya sa caption, “Drivers and Commuters Rep who voted NO to ABS-CBN franchise got married in a Michael Cinco gown in a lavish peony-filled ceremony in Balesin in the middle of a pandemic. How ostentatious. May vaccination drive ba sya for drivers and commuters? Asking for a friend.” 

Ni-retweet naman ito ni Agot, “That gown alone can feed hundred of families of displaced drivers. And you’re representing which sector again, Cong. Claudine Bautista.”

Tinanong pa ng aktres si Bautista kung may nagawa na ba ito para sa kapakanan ng mga driver?
Hirit naman ni Enchong sa kanyang Twitter page, “The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise.”

Pinansin naman ng Kapuso comedienne na si Pokwang ang napakasosyal na gown ni Bautista, “Ok ano na? ang class ng representative ng mga drivers ha… naka Michael Cinco na wedding gown… edi wow!!!

“BONGGA KA DAI!! BONGGA KA DAI!! Beep! Beep! tabiiiiiii!! ang masagasaan edi sorry…” pang-aasar pa ng komedyana.

Para naman sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, hindi makatarungan ang ginawa ng kongresista lalo pa’t napakarami pa ring naghihirap ngayong may health crisis.

“Grabe si Ate na representative ng mga drivers. Baka naman me accomplishment siya during pandemic, pakilatag ang resibo,” tweet ni Ogie.

Samantala, makikita naman sa official Facebook account ni Bautista ang ni-repost niyang announcement mula FB page ng DUMPER PTDA Partylist tungkol sa pakikipagtulungan nito sa LGU ng Davao para sa naganap na vaccination ng PUV drivers na may caption na, “Successfully delivered.”

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Dendee Bautista ay anak ni Davao Occidental Gov. Claude Bautista.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang official statement ang public official hinggil sa kinasasangkutang kontrobersya. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni congresswoman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpadala na rin kami ng direct message sa official social media accounts ng DUMPER para hingin ang reaksyon at paliwanag ng kongresista ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin kaming natatanggap na sagot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending