Banat ni Heart sa basher na tumawag sa kanya ng baog: Ul*l...the only word you can understand Bandera

Banat ni Heart sa basher na tumawag sa kanya ng baog: Ul*l…the only word you can understand

Ervin Santiago |October 12,2021
share this

Banat ni Heart sa basher na tumawag sa kanya ng baog: Ul*l…the only word you can understand

Ervin Santiago October 12, 2021 - 05:31 PM

Chiz Escudero at Heart Evangelista

MULING pinatulan ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang isang epal na basher na tumawag sa kanya ng “baog”.

Talagang matapang na nag-post ng hate message ang nasabing netizen sa ipinost na vlog ng aktres at fashion icon sa kanyang YouTube channel.

Mapapanood sa bagong vlog ng Kapuso star ang pagbabakasyon nila ng kanyang asawang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa sosyaling Balesin Island.

May titulong “A MINI HONEYMOON WITH CHIZ IN BALESIN,” ipinakita ni Heart ang mga bonding moments nila ni Chiz at iba pang mga kaganapan sa pagbabakasyon nila sa Balesin.

Aniya sa description ng bagong vlog, “We haven’t been seeing each other a lot lately so when we finally had time to be together, Chiz and I decided to take a mini honeymoon in Balesin.

“Watch us play a fun game of Never Have I Ever and celebrate life’s little moments by the sea. This is going to be a really laid-back vlog so I hope you enjoy watching as much as I enjoyed filming this!”

Ipinagmalaki pa ng aktres, na sa kauna-unahang pagkakataon ay wala silang kasamang personal assistant o yaya sa kanilang bakasyon. 

Talagang sila lang daw ni Chiz ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan nila sa Balesin na isa sa mga lugar na hinding-hindi malilimutan ng mag-asawa dahil doon sila ikinasal noong Feb. 15, 2015.

In fairness, marami ang naaliw at natuwa sa latest vlog ni Heart. May mga nagsabi pa nga na inggit na inggit sila sa mini-honeymoon ng celebrity couple at sana raw ay makapunta rin sila sa bonggang resort.

Ngunit may ilang netizens din ang nambasag kay Heart tulad ng hater na nag-comment ng, “Kahit ilang honeymoon pa yan baog ka pa den d ka na magkakaanak.”

Binuweltahan naman ng aktres ang basher at sinagot ito ng, “Ulol—the only word you can understand.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na pumatol si Heart sa mga bashers na nagsasabing baog siya at sayang lang ang seksing katawan niya dahil hindi pa siya nagbubuntis. 

“Ok na sana lahat. stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me. Nobody knows the real struggle. Also may I add life is good people I love are fine and everything else in between is ok so bonus nalang if I do conceive, again  it’s my body.

“I’m not mad just furious how people think na need mo magkaanak para ma­ging masaya. I am already a happy person and grateful tama na ang pressure. Inspire each other nalang tayo.

“Wag kayo mag-alala nobody has a perfect life… my life is far from that. Si panda Lang ang perfect ang life  (ang Panda na sinasabi niya ay ang favorite dog niya),” sunud-sunod na tweet ni Heart kung saan kinompile ang sexy photos niya at doon dinumog ng mga nagdududa na baog siya kaya ‘di nabubuntis,” ang banat ng aktres sa mga bashers.

Kung matatandaan, taong 2018 nang unang mabuntis si Heart sa kambal sana nila ni Chiz ngunit nakunan nga siya na labis niyang dinamdam.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending