Inquirer Archives | Page 5 of 118 | Bandera

Inquirer Archives | Page 5 of 118 | Bandera

Pulis na dumalo sa party ni Sinas malalagot din

IIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang mga pulis na dumalo sa birthday party ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major Debold Sinas. Ayon kay PNP-IAS director Alfegar Triambulo, kukunan nila ang pahayag ang mga pulis na nakunan ng larawan habang nakikisaya sa party. “Marami. Siyempre halos yung command group nila […]

Checkpoint gustong pasabugin, delivery man kulong

BAGSAK sa kulungan ang isa pang social media poster na nagbirong gusto niyang makitang sumabog ang mga enhanced community quarantine (ECQ) checkpoints sa Meycauayan City, Bulacan. Dinakip si Abram Jacob Vibar kahapon makaraang magreklamo sa Facebook ukol sa hirap na dinanas niya para makadaan sa mga checkpoint upang makapagdeliber ng LPG. “These checkpoints are something […]

‘Teacher na nagbanta vs Du30 palayain’

NAIS ng isang mambabatas na agad na palayain ang guro na inaresto dahil sa post nito na nag-aalok ng P50 milyon sa sinumang papatay kay Pangulong Duterte. “We demand for the immediate release of teacher Ronnel Mas,” ani ACT Teachers Rep. France Castro sa kalatas na kinokondena ang pag-aresto sa guro na taga-Masinloc, Zambales. Ani […]

Pulis na Covid-19 positive bumiyahe sa Baguio

INIIMBESTIGAHAN na ang pulis na nagpunta sa Baguio City kahit positibo sa Covid-19 at kahit pa umiiral ang mga border restrictions na ipinatutupad ng Philippine National Police. Si Maj. Rafael Roxas, ang deputy chief ng PNP Crime Laboratory’s Fingerprint Division, ang ika-31 kaso ng nasabing sakit sa siyudad. Nagpositibo siya sa virus noong Mayo 11, […]

Brgy frontliner nagbenta ng shabu, kalaboso

INARESTO ang barangay volunteer mula sa Quiapo, Maynila makaraan niyang gamitin ang Covid-19 frontliner ID niya para makalusot sa mga checkpoint sa Sampaloc upang makapagbenta ng shabu Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Hajib Cayandatu, 24, barangay volunteer ng Brgy. 648 sa Quiapo. Nasakote si Cayandatu sa buy bust operation sa kanto ng […]

Benipisyaryo ng SAP kinikilan, 2 tanod tiklo

ARESTADO ang dalawang opisyal ng Brgy. New Cabalan sa Olongapo City na nangikil umano sa kasagsagan ng pamimigay ng ayuda sa mga residente kahapon. Nasakote si barangay tanod team leader, Marcialo Mendoza, 41, sa inilatag na entrapment ng mga pulis sa loob mismo ng barangay hall. Isinagawa ang operasyon makaraang magreklamo ang isang residente na […]

Presyo ng toilet paper tumaas

NAGMAHAL ang presyo ng toilet paper sa bansa bunsod ng problema sa supply at demand ngayong panahon ng Covid-19, ayon sa financial comparison platform na Finder. Base sa kanilang pag-aaral, sinabi ng Finder na tumaas ang presyo ng isang pakete ng apat na rolyo ng toilet paper sa P63.39 mula P53 83. Sa 90 bansa […]

Positive sa Covid-19 tumakas sa isolation facility

PINAGHAHANAP ang babaeng Covid-19 patient na tumakas sa isolation facility sa Davao City noong Sabado. Kinumpirma ni Mayor Sara Duterte na nakapuslit ang pasyente na residente ng Brgy. 23-C, isa sa mga hotspots ng nakamamatay na sakit. “We are looking for one patient who sneaked out of a room where she was confined,” ani Duterte. […]

Distribusyon ng ayuda nagkagulo; 3 arestado

INARESTO ang tatlong residente makaraang magkagulo ang pamimigay ng cash aid mula sa social amelioration program (SAP) ng pamahalaan sa Brgy Culiat, Quezon City kaninang umaga. Sinabi ni brgy. chairman Vic Bernardo na nagalit ang ilang residente nang malaman na walang ipinamamahaging ayuda para sa mga natitirang benipisyaryo na hindi pa nabibigyan. Paliwanag ni Bernardo, […]

Ayuda isinugal, 3 kalaboso

APAT katao, kabilang ang tatlong nakatanggap ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan, ang dinakip dahil sa pagsusugal sa Real, Quezon ngayong umaga. Ayon sa pulis, nasakote sina Lester Labiña, Noli Azaña, Domingo Jutaro, at Henry Revellame habang nagpupusoy sa Brgy. Malapad alas-12:45 ng madaling araw. Nakuha ng pulis ang P640 […]

Huramentado todas sa pulis

BINARIL at napatay ng pulis ang 53-anyos na lalaki na nanghalihaw ng itak sa Infanra, Quezon kaninang Umaga. Ayon sa imbestigasyon, ginulo at tinakot ni Arnel Oliva, ng Brgy. Gumian, ang kanyang mga kapitbahay alas- 2:45 ng madaling araw. Nang dumating ang mga pulis ay sinugod umano sila ng Oliva, na pinagtataga rin ang sasakyan […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending