INARESTO ang barangay volunteer mula sa Quiapo, Maynila makaraan niyang gamitin ang Covid-19 frontliner ID niya para makalusot sa mga checkpoint sa Sampaloc upang makapagbenta ng shabu Martes ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Hajib Cayandatu, 24, barangay volunteer ng Brgy. 648 sa Quiapo.
Nasakote si Cayandatu sa buy bust operation sa kanto ng Vicente Cruz at Honradez sa Brgy. 445, Zone 44 sa Sampaloc alas-7:45.
Inilatag ang operasyon ng mga pulis makaraang makatanggap ng impormasyon na isang Buddy ang nagbebenta ng shabu sa lugar.
Nakuha sa suspek ang 45 gramo ng
shabu na nagkakahalaga ng P272,000 at ang P500 marked money.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.