BAGSAK sa kulungan ang isa pang social media poster na nagbirong gusto niyang makitang sumabog ang mga enhanced community quarantine (ECQ) checkpoints sa Meycauayan City, Bulacan.
Dinakip si Abram Jacob Vibar kahapon makaraang magreklamo sa Facebook ukol sa hirap na dinanas niya para makadaan sa mga checkpoint upang makapagdeliber ng LPG.
“These checkpoints are something else,” atyon sa post ni Vibar. “Let me give you an LPG gas then blow them up. They’re obstacles to my delivery schedules, haha.”
Ayon sa pulisya, nagtangkang tumawid ng checkpoint ni Vibar sa Brgy. Lawa sa pero wala itong dala na quarantine pass.
Kinasuhan si Vibar ng online grave threats at disobeying persons in authority. –Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.