BINARIL at napatay ng pulis ang 53-anyos na lalaki na nanghalihaw ng itak sa Infanra, Quezon kaninang Umaga.
Ayon sa imbestigasyon, ginulo at tinakot ni Arnel Oliva, ng Brgy. Gumian, ang kanyang mga kapitbahay alas- 2:45 ng madaling araw.
Nang dumating ang mga pulis ay sinugod umano sila ng Oliva, na pinagtataga rin ang sasakyan ng mga alagad ng batas.
Tinangkang payapain ng mga pulis si Oliva pero sinugod nito si MSgt. Lyndel Inolpe na agad namang binunot ang kanyang baril at pinutukan ang suspek.
Inaalam pa ang nagtulak sa suspek upang mag-amok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.