APAT katao, kabilang ang tatlong nakatanggap ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan, ang dinakip dahil sa pagsusugal sa Real, Quezon ngayong umaga.
Ayon sa pulis, nasakote sina Lester Labiña, Noli Azaña, Domingo Jutaro, at Henry Revellame habang nagpupusoy sa Brgy. Malapad alas-12:45 ng madaling araw.
Nakuha ng pulis ang P640 na taya at baraha.
Napag-alaman na katatanggap lamang nina Labiña, Azaña, at Jutaro ng ayuda mula sa DSWD.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Presidential Decree 1602.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.