IIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang mga pulis na dumalo sa birthday party ni
National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major Debold Sinas.
Ayon kay PNP-IAS director Alfegar Triambulo, kukunan nila ang pahayag ang mga pulis na nakunan ng larawan habang nakikisaya sa party.
“Marami. Siyempre halos yung command group nila nandun, mga opisyal. Kaya ‘yun pa ‘yung tinitignan namin, ang kukunin namin ‘yung kung sino ang nandoon at i-arrange naming per rank at kung ilan,” ani Triambulo nang tanungin kung gaano karaming pulis ang dumalo sa pagtitipon.
“Nag-request kami sa kanila na i-ano ‘yung mga listahan, yung lahat ng mga picture. Kung sino inimbita, sino nag-imbita para malaman natin kung sino nga ang ‘yung iimbestigahan natin,” dagdag niya.
Sinabi naman ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac malalaman mula sa mga dumalong pulis kung nasunod o hindi ang social distancing protocol na inilatag kontra Covid-19.
“Everybody who joined the mañanita will have to give their statements because they were seen in the pictures especially those who are not wearing face masks and could have violated social distancing they will have to give their side in fairness to everyone,” dagdag niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.