Wacky Leaks Archives | Page 2 of 37 | Bandera

Milyong-milyong pondo ng bus company nawawala?

PINATALSIK sa kanyang pwesto bilang pinuno ng kumpanya si Leo Rey Yanson na siyang dating pa-ngulo ng Vallacar Transit Inc. (VTI), Bachelor Express Inc., Rural Transit Mindanao Inc., Sugbo Transit Express Inc. at Mindanao Star Business Transit Inc. Ang nasabing kumpanya ay bahagi ng Yanson Group of Bus Companies na mayroong 4,800 bus units nationwide […]

Lady official butatasa pangarap na posisyon

MAY lihim na tampo kay Pangulong Duterte ang isang opisyal ng isang money-generating agency ng pamahalaan. Ang buong akala niya ay siya na ang ipapalit ng Pangulo bilang pinuno ng nasabing ahensya makaraang mapatalsik ang dating lider nito dahil sa “special operation” na ginawa sa kanya ng bida sa ating kwento ngayong araw. Pero imbis […]

Oposisyon inilutang na 2 posibleng pambato sa 2022

DAHIL sa matinding setback na naranasan ng oposisyon noong nakalipas na eleksyon ay mas pinaaga na nila ang paghahanda para sa national election sa 2022. Kasama sa ikinasang plano, syempre pa ay ang pagpapalakas sa kanilang pag-atake sa gobyerno gamit ang social media. Kabilang rin sa kanilang preparasyon ay ang pagpapalutang sa ilang mga personalidad […]

‘Kingmaker’ kuno

NITONG nakaraang Lunes, July 1, ay naging abala sa pag-ikot sa oath taking ceremony ng ilang mga nanalong alkalde sa Metro Manila ang isang nagpapakilala bilang “kingmaker.” Feeling niya at talagang press release niya sa mga nakakakilala sa kanya at sa industriyang kinabibilangan niya na siya ang dahilan kung bakit nanalo ang ilang mga bagong […]

Ex-gov’t official ayaw sumawsaw sa Recto Bank incident

LUMABAS ang pagiging barakikay ng isang dating opisyal ng pamahalaan sa isyu ng kaguluhan sa Recto Bank sa West Philippine Sea. Minsan kasi siyang natanong hingil sa nasabing isyu pero tumanggi na siyang magpa-interview dahil wala naman daw siyang sasabihing maganda sa kasalukuyang pamahalaan. Mahusay na abogado at kilalang kritiko ng pamahalaan ang bida sa […]

Pastor na ‘bukod na pinagpala’

UMUUSOK ang ilong sa galit habang ikinukwento ng aking Cricket ang raket ng isang sikat na religious leader sa bansa. Ilang taon rin daw kasi siyang naging blind follower ng pastor na inakala nilang magdadala sa kanila sa kaluwalhatian ng Diyos. Kabilang sa mga raket ni Pastor ay ang paghingi ng malaking pera sa kanyang […]

Re-elected solon nanibak ng staff; kulang sa performance

SINIBAK ng isang incumbent lawmaker ang lakat ng kanyang staff. Gusto kasi ng ating bida na kumuha ng mga bagong tao sa pagbubukas ng 18th Congress sa susunod na buwan. Lahat ng kasalukuyang staff ay tumanggap ng memo mula sa paboritong alalay ni Sir na mukhang Chinese. Laman ng nasabing office memo na tanging mga […]

Ano ang problema ng TNVS?

NITONG linggo ay sinimulan ng Grab na linisin ang hanay ng kanilang TNVS driver na wala o kulang ang documentation mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Bagaman hindi ako isang fan ng Grab dahil sa totoo lang ay hindi ito maganda at mapangabuso pa sa pasahero ang mga patakaran nila, sa isyu ngayon […]

2 reporter nag-away dahil sa 1 foreigner

NAGKAGULO pala ang isang press office kamakailan hindi dahil may malaking istorya kundi dahil may gera sa pagitan ng dalawang babaeng reporter. Ayon sa aking madaldal na Cricket, matagal nang nagpaparinigan ang ating mga bida na dati pa namang mag-bestfriend. Halo-halo na ang kanilang pinag-awayan, mula sa professional jealousy isyu sa pera, at pati pala […]

Mambabatas nagpaplano na sa presidential polls

MUKHANG desidido na sa kanyang plano ang isang mambabatas na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022. Sinabi ng aking Cricket na nagpadala na ng sugo ang ating bida para makilala partikukar na ang ilang mga bagong kongresista. Hindi ito gawain ni Sir na medyo may pagka-suplado sa personal. Ayon sa aking Cricket, isang senador rin ang […]

Winner na konsehala naghahanda na sa 2022

CONGRESS o mayoralty post ang target ng isang nanalong konsehala sa isang lungsod sa Katimugang bahagi ng ating bansa. Sinabi ng aking Cricket na dahil last term na rin ngayon ng nanalong mayor sa nasabing lungsod at target nito na maging gobernador ng kanilang lalawigan. Kaya pagkakataon na ito para sa ating bida na makapwesto […]

Previous           Next
What's trending