Judge pinagdududahan ng mga pulis | Bandera

Judge pinagdududahan ng mga pulis

Den Macaranas - October 28, 2020 - 01:51 PM

Duda ang ilang mga imbestigador ng PNP Crime Laboratory sa kwento ng isang judge sa Metro Manila na nabiktima ng nakawan ang kanyang sala.

Bukod kasi sa walang forcible entry na nakita ang mga imbestigador ay intact rin ang kandado ng isang cabinet na pinaglalagyan ng mga ebidensya ng mga kasong nakasalang sa sala ng ating hukom na bida.

Hindi naman sinasabi ng mga pulis na inside job ang pangyayari pero nakakapagtakang tanging ang P800,000 na cash ang nawawala sa naturang mahiwagang cabinet.

Ang nasabing pera ayon sa aking cricket ay ebidensya sa isang naganap na nakawan.

Ito ay inilagay ng mga staff ni judge sa kanilang evidence cabinet pero makalipas lamang ang ilang araw ay bigla itong nawala.

Ayaw lagyan ng malisya ng mga imbestigador pero naganap ang pagkawala ng pera kung kailan mismong nagdiwang ng isang bonngang birthday ang ating bidang judge.

Rewind tayo ng konti.

Medyo notorious pagdating sa pera si Sir dahil nasangkot na rin ito sa isang bribery case noong araw.

Umaabot sa P100 million ang sinasabing asking price ni judge para sa isang malaking kaso bagay na inimbestigahan pa noon ng Integrated Bar of the Philippines.

Hindi naman nating sinasabing may kinalaman si judge sa pagkawala ng ebidensya pero dapat itong maipaliwanag ng maayos sa publiko.

At dahil sa pangyayaring iyon malamang ay sakupin na rin ng mas malalim pang imbestigasyon ang kwento sa likod ng pagkawa ng malaking halaga ng ebidensya sa mahiwagang cabinet ng ating bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang hukom na bida sa ating kwento ngayong araw ay si Judge J….as in Jetlog.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending