Erik Matti napiling ‘juror’ sa International Emmy Awards 2024

Erik Matti napiling maging ‘juror’ sa International Emmy Awards 2024

Pauline del Rosario - June 08, 2024 - 04:36 PM

Erik Matti napiling maging ‘juror’ sa International Emmy Awards 2024

PHOTO: Instagram/@erikmatti

ISA sa magsisilbing hurado sa International Emmy Awards ngayong taon ay ang sikat na filmmaker na si Erik Matti.

Ang masayang balita ay kinumpirma mismo ng direktor sa pamamagitan ng isang Instagram post noong Huwebes, June 6.

“I am honored. Thank you, [International Emmys]!” caption niya, kalakip ang tila isang logo na may katagang “2024 juror” at “International Emmy Awards.”

Baka Bet Mo: Erik Matti: Ang pinakaayaw ko talagang katrabaho ay ‘yung mga ‘p*kp*k’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by erikmatti (@erikmatti)

Sa comment section, maraming celebrities ang tuwang-tuwa at nagpaabot ng kanilang “congratulatory” messages sa direktor.

Kabilang na riyan sina Zsa Zsa Padilla, Janno Gibbs, Ruby Ruiz, Lotlot De Leon, Janine Tugonon, at marami pang iba.

Hindi ito ang unang beses na napansin ang expertise ni Direk Matti.

Kung matatandaan, taong 2020 at 2022 nang una siyang maging parte ng jury ng nasabing award-giving body kasama ang aktres na si Dimples Romana.

Para sa kaalaman ng marami, ang International Emmy Awards ay isa ring taunang awards program upang kilalanin ang kahusayan pagdating sa TV programming na ginawa sa labas ng United States.

Ito ay hiwalay mula sa Primetime Emmy Awards na binibigyan ng parangal ang mga bonggang shows na prinoduce ng US.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending