Vhong, Erik Matti excited na sa reunion project, para ba sa Gagamboy 2?
MULING magsasama ang aktor na si Vhong Navarro at sikat na direktor na si Erik Matti makalipas ang isang dekada!
Kung maaalala, taong 2004 pa ang huling proyekto nila together kung saan bumida si Vhong sa pelikulang “Gagamboy.”
Ang exciting news ay ibinandera mismo ng TV host-actor sa Instagram kung saan makikita ang picture na kasama sina Bea Alonzo, Joey Marquez at Joel Torre na tila magiging parte ng cast members.
Present din ang film producer na si Dondon Monteverde.
Baka Bet Mo: Erik Matti: Ang pinakaayaw ko talagang katrabaho ay ‘yung mga ‘p*kp*k’
“Finally! Madi-direk ulit ni Direk Erik Matti since ‘Gagamboy,’” caption ni Vhong sa kanyang post.
Mensahe pa niya, “Maraming salamat sa tiwala! Excited na ako, Direk!”
View this post on Instagram
Shinare din ni Direk Matti ang parehong litrato at sinabing looking forward siya na magkikita ulit sila.
“Nagkita-kita lang. Nagkuwentuhan. Nagkamustahan. Masaya!” saad ng filmmaker sa kanyang IG page.
View this post on Instagram
Wala nang detalyeng ibinahagi ang dalawa, pero maraming fans ang nanghuhula na magkakaroon na ng comeback movie si Vhong makalipas ang apat na taon.
May mga umaasa rin na ang upcoming project ng aktor ay ang sequel ng “Gagamboy.”
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Uyyyy! comeback! [red heart emoji] HOPING NA PART 2 NG GAGAMBOY!!!”
“Omg!!! Exciting. Dasurv vhongskiee [white heart emoji]”
“Most awaited comeback [red heart emoji] congrats kuys! excited na us [heart hands emoji]”
“Hoping na part 2 ng Gagamboy sa BGC na”
Kung matatandaan, ang huling pelikula ni Vhong ay ang “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim” na kabilang sa official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2020.
Ang pelikula ay ang sequel sa fantasy horror-comedy film ng aktor na inilabas noong 2017.
Samantala, nakatakdang magkaroon ng reunion concert si Vhong kasama ang kanyang ’90s dance group na Streetboys sa darating na Nobyembre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.