Kahit pala may pandemya ay hindi apektado ang bisyo at hanap-buhay ng isang sikat na sugarol ng bansa.
Eh bakit ba kamo?
Aba eh tuloy ang kanyang bisyo at negosyo bilang financier at operator ng mga malakihang sabong sa Pilipinas. At sa pagkakataong ito ay pwede na ring makipag-pustahan sa sabong pati ang kanyang mga suki sa abroad. Ito ay sa pamamagitan ng kanilang mobile app na nakalink naman sa mga online sabong sa bansa.
Karaniwang ginagawa ang e-sabong sa loob ng isang bagong gawang sports arena na matatagpuan sa isang lungsod dito sa Metro Manila.
Hindi halata ang ginagawang sabong sa loob ng arena dahil by invitation ito at limitado lamang ang pwedeng pumasok aa venue.
Hindi rin mahahalata ng mga nakatira sa paligid ng arena dahil sound-proof ang nasabing airconditioned na sabungan. Hindi lang malinaw sa aking cricket kung paanong nabigyan ng permiso ang nasabing mobile app na ginagamit sa pagsusugal.
Bukod sa sikat na sabungero na bida sa ating kwento ngayong araw ay pasok rin sa pagnenegosyo ng online sabong ang isang dating mambabatas mula sa Mindanao.
Silang dalawa ang sinasabing magkaribal sa negosyo o bisyong ito na halos ay araw araw ang operasyon online.
Ang bida sa ating kwento ngayong araw na kilala sa pagiging genius pagdating sa sabong ay si Mr. A… as in Angat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.