Graduating lawmaker nag-iisip pa: VP o mayor?
Wacky Leaks - March 04, 2021 - 07:33 AM
Kinumpirma ng aking cricket na nahihirapang magdesisyon ang isang graduating lawmaker sa kung anong posisyon ang tatakbuhan niya sa susunod na eleksyon.
Maugong kasi ang balita na kukunin siyang vice presidential candidate ng isang mambabatas na gustong tumakbo bilang pangulo ng bansa.
Pero maingay rin ang panawagan ng kanyang mga kababayan sa kanilang malaking lungsod na tumakbo siya bilang mayor sa susunod na taon.
Noong una ay okay na sa kanya ang maging mayor pero lumutang rin ang mga balita na isang bigating pulitiko ang makakaharap niya sa eleksyon kung itutuloy niya ang naturang plano.
Bukod dito ay ayaw niyang mahati ang kanilang boto dahil tiyak na makikinabang dito ang incumbent na city mayor.
Kung siya naman ay magdesisyon na tumakbo bilang pangalawang pangulo, marami rin ang nagsasabi na mas magandang presidential post na lamang ang kanyang targetin.
Bukod sa mas sikat siya kesa sa kapwa mambabatas na humihikayat sa kanya bilang maging running mate ay mas maganda rin ang pwesto niya ngayon bilang isang makapangyarihang lawmaker.
Pinag-aaralan ng husto ng ating bida ang lahat ng kanyang mga options dahil kapag nagkamali siya ay mahihirapan na siyang makabawing muli tulad na lamang ng ilang mga pulitikong nawala sa limelight at nagtangka muling bumalik sa pamahalaan.
Pero sinabi rin ng aking cricket na kahit pa matalo sa halalan ang ating bida ay mananatili siyang sikat dahil pwede naman niyang balikan ang industriya na naunang nagpakinang sa kanyang pangalan.
Ang bida sa ating kwento ngayong umaga ay hindi na nangangailangan pa ng madaling clue.
Siya ay si Mr. V….as in Vintage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.