Dating alalay ng pulitiko nangupit ng pondo | Bandera

Dating alalay ng pulitiko nangupit ng pondo

Den Macaranas |
Wacky Leaks -
May 18, 2022 - 01:20 PM

HINIHIMOK ng mga kaibigan ang isang kilalang pulitiko na ipa-audit ang kanyang executive assistant dahil sa hinala nilang kinupit nito ang pondo sa kampanya ng kanyang amo.

Noong nakalipas kasi na buwan ng Pebrero ay naging sunud-sunod ang pag-withdraw ng dakilang alalay ng pondo sa isang malaking bangko sa Pasay City.

Sinabi ng aking cricket na hindi bababa sa P120 million ang nailabas na pondo ng nasabing executive assistant ng isang sikat na kandidato.

Sinasabing pondo sa kampanya ang nasabing pera na gagamitin sana noon sa pag-iikot sa mga lalawigan ng ating bidang pulitiko.

Kasama sa paggagamitan ng pondo ang mobilization fund at budget sa mga miyembro ng media para sa kanilang air fare at hotel expenses.

Pero laking gulat ng mga kaibigan ni Mr. Politician nang sabihin ng kanyang dakilang alalay na kinakapos na sila sa pondo.

Iyun din ang kanyang idinahilan kaya hindi sila nag-imbita ng mga miyembro ng mainstream media sa mga huling araw ng kampanya dahil daw sa kakulangan ng pondo.

Ibang-iba ito sa luho ng pamumuhay ng nasabing alalay na palaging nasa business class kapag sumasakay sa eroplano.

Kapansin-pansin rin ayon sa aking cricket na laging kasama ng dakilang alalay ang kanyang girlfriend sa mga political sortie at lagi rin niyang ipinagsa-shopping sa mga five-star hotels.

Sinabi naman ng ilang kaibigan ng tumakbong pulitiko na nagmukhang tao ang nasabing alalay dahil sa mga perang nakukuha niya sa mayamang pulitiko.

Kikala ang mayaman at may abs na kandidato kaya di na kailangan ng clue dahil karugtong lagi ng pangalan nito ang EA na tinutukoy ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending