Congressman di kinaya pagka-bilmoko ng GF

By Den Macaranas September 30,2020
share this

Congressman di kinaya pagka-bilmoko ng GF

By Den Macaranas September 30,2020 - 09:13 AM

Makalipas ang ilang buwan ay naghiwalay na raw ng landas ang isang mambabatas at ang kanyang girlfriend na isang sexy actress.

Sinabi ng aking cricket na hindi kinaya ni Sir ang pagka-bilmoko o magastos ng nasabing aktres na ipinalit nya sa kanyang dating misis na isa ring artista.

Nabisto rin pala ni Sir na bukod sa kanya ay mayroon pang ibang ka-date ang actress na isang mayamang negosyante.

Hindi matanggap ng ating bida na nasalisihan siya ng isang Filipino-Chinese na businessman dahil madalas niyang ipagmalaki sa mga kapwa mambabatas na loyal sa kanya ang aktres.

Sa totoo lang ay malaki naman ang kinikita ng seksing aktres kahit wala siyang mga project dahil sa pandemic.

Bakit nga naman hindi, bukod sa mga nakapaligid sa kanyang mga sugar daddy ay sikat na sikat rin siya ngayon sa social media dahil sa dami ng kanyang mga followers bilang isang vlogger.

Sinabi ng aking cricket na noon pa man ay hindi nagkulang ng paalala ang mga friends ni sir na mahirap i-maintain ang aktres dahil sa marangyang lifestyle nito.

Hindi naman galing sa mayamang pamilya ang aktres pero nasanay ito sa luho na ibinibigay sa kanya ng mga dating karelasyon ayon pa sa aking cricket.

Dati na rin siyang natsismis na umano’y naging “flavor of the month” rin ng isang matulis na broadcast executive.

Ang bidang mambabatas sa ating kwento ngayong araw ay si Mr. D… as in Dakila.

Ang aktres naman na nang-iwan sa kanya ay si Miss I… as in Ilawan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending