Padrino ng kilalang frat di na OK sa mga brods | Bandera

Padrino ng kilalang frat di na OK sa mga brods

Den Macaranas - October 21, 2020 - 05:44 AM

Masama ang loob ng mga miyembro ng isang kilala at malaking fraternity sa bansa dahil sa sinapit ng dalawa sa kanilang mga miyembro na ngayon ay nahaharap sa patong-patong na mga kaso. Mas lalong ikinasasama ng kanilang kalooban ay ang katotohanang ang isa sa kanilang itinuturing na padrino ang nagpabaya kaya ngayon nahaharap sa asunto ang nasabing mga frat members na parehong abogado.

Ang padrino na aking tinutukoy ay isang dating cabinet secretary na humawak ng isa sa pinaka-makapangyarihang kagawaran sa pamahalaan. Pero kahit na powerful noon si Mr. Cabinet Secretary ay wala siyang nagawa para isalba ang mga kapatid sa fraternity.

Ang dahilan kasi ay mas inuna niyang iniligtas ang sarili sa kontrobersiya na kinakaharap ng kanilang mismomg tanggapan. Ang dalawang abogado na nakakulong sa kasalukuyan ay nahaharap sa kasong graft dahil umano sa pagtanggap ng milyong-milyong suhol mula sa ilang dayuhan kapalit ng pabor.

Hindi naman nakasuhan si dating Mr. Secretary dahil hindi raw maikonekta ng mga imbestigador ang kaugnayan nito sa kaso. Pero naniniwala naman ang aking cricket na hindi gagalaw ang nasabing mga abogado kung wala itong basbas ng kanilang “brod” na dati rin nilang boss.

Si Mr. Secretary ay ilang beses na ring nasangkot sa mga akusasyon ng katiwalian pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naididiin sa anumang kaso. Sinabi ng aking cricket na tunay na malapalos ang ating bida dahil sa dinami-dami ng mga gusot na kanyang kinasangkutan ay nalusutan niyang lahat ang mga ito.

Pero teka nga pala, may narinig rin akong mga balita na balak na rin ng kanyang mga kapatid sa frat na patalsikin sa kanilang kapatiran ang dating kalihim. Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata sa kwento ng buhay ni Mr. A… as in Argumento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending