2020-2021 Bar Exams inilipat na sa 2022 | Bandera

2020-2021 Bar Exams inilipat na sa 2022

- September 28, 2021 - 02:02 PM

FILE PHOTO

MULING walang magaganap na Bar Examinations ngayon taon.

Naglabas na ng abiso si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, ang chairperson ng 2020 /21 Bar Examinations, para sa paglipat ng petsa ng eksaminasyon sa mga nais maging abogado.

Ang eksaminasyon ay isasagawa sa Enero 16, 23, at 30, gayundin sa Pebrero 6, sa susunod na taon.

Photo from PH Supreme Court PIO via Inquirer.net

Ayon kay Leonen, ikinunsidera pa rin sa desisyon ang kasalukuyang bantang dala ng COVID-19 gayundin ang payo ng mga eksperto sa Korte Suprema.

Magtutuloy-tuloy din naman aniya ang iba pang mga programa at aktibidad na may kinalaman sa papalapit na Bar Examinations.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending