Kontrobersyal na brodkaster pinag-iisipang mag-senador | Bandera

Kontrobersyal na brodkaster pinag-iisipang mag-senador

Den Macaranas - September 02, 2020 - 09:30 AM

Nagsimula na ang panunuyo ng isang paksyon sa grupo ng oposisyon sa isang sikat na brodkaster.

Gusto kasi nilang isama sa kanilang senatorial lineup ang nasabing mediaman sa paniniwalang malaki ang magiging hatak nito sa mga botante.

Sa inisyal na imbitasyon para sa isang exploratory talk ay tumanggi ang ating bida.

Pero nang siya ay maging laman ng balita kamakailan ay nagpa-abot na umano ito ng pahayag na pag-aaralan niya ang imbitasyon na mapabilang siya sa senatorial slate para sa 2022 national elections.

Pero may pauna nang pahayag ang mamamahayag na kung sakaling pumayag siya dapat ay maibigay muna sa kanya ang bahagi ng pondo na gagamitin niya sa kanyang kandidatura.

Sinabi ng aking cricket sa isang malaking broadcast network na talagang segurista si Sir pagdating sa pera.

Gusto niya ay puro kabig lalo’t alam niyang baka hindi na rin siya magtagal sa industriya dahil sa matinding stress na pinagdadananan niya sa kasalukuyan.

Idinagdag pa ng aking cricket na may sakit rin ang nasabing mediaman kaya hangga’t maaari ay ayaw na niya ang matitinding intriga at stress sa katawan.

Bukod sa kilalang natatapatan ng pera ay isa pang weakness ni Sir ay babae.

May ilang taon na rin ang nakalilipas nang ipahuli niya sa mga tauhan ng pulisya ang isang reporter nakabanggaan niya.

Ang dahilan ay babae rin.

Sa townhouse kasi na pinamamahalaan ng nasabing reporter ibinahay ni Sir ang isa sa kanyang mga staff na kanya ring karelasyon.

Nabulilyaso ang kanilang samahan makaraang pagbawalan ng misis ng nasabing reporter ang karelasyon ng ating bida na hwag ipahiram sa ilang kaibigan ang kanilang unit na ginagawang parang motel.

Dun na nagsimula ang kanilang bangayan hanggang sa lumayas na lamang sa kanilang network ang naturang reporter dahil ginawan na siya ng kung ano-anong intriga ng nasabing brodkaster.

Dahil digital ang karma, ang nasabing mediaman naman ngayon ang inuulan ng batikos dahil sa isang malaking iskandalo na kinasangkutan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi na natin kailangan ng matinding clue dahil tulad ng sinabi ko ay sikat nga ang bida sa ating kwento ngayong araw na marami ring itinatagong kalokohan sa katawan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending