Dating mambabatas, umiikot na para mangalap ng pondo at suporta sa planong pagtakbo | Bandera

Dating mambabatas, umiikot na para mangalap ng pondo at suporta sa planong pagtakbo

Den Macaranas - October 07, 2020 - 06:00 AM

Nagsimula nang mag-ikot sa kanyang mga posibleng maging financier at tagasuporta ang isang dating mambabatas.

Sinabi ng aking cricket na bitbit ni Sir sa kanyang pag-iikot ang resulta ng survey ng isang sikat na survey firm na nagpapakita na may tsansa siyang manalo bilang senador sa 2022.

Sa kanyang posisyon na 9-13 ay malaki daw ang tsansa na mapataas pa niya ang kanyang rating sa mga susunod na panahon ayon na rin sa kanyang sariling kalkulasyon.

Bagaman galing sa sikat na pamilya sa larangan ng pulitika ay hindi na nakabalik sa pwesto ang ating bida dahil sa kanyang mahinang performance sa nagdaang kongreso ayon sa ilang analyst.

Noong panahon ng kampanya ay sumentro ang kanilang taktika sa paninira sa administrasyon kaya napabayaan nilang ilutang ang kanilang sariling agenda para sa bayan.

Sa kabilang banda, nakangiting sinabi ng aking cricket na kaya lang naman maganda ang pwesto ng dating mambabatas sa survey ay dahil isa siya sa mga naunang nagbayad para mapasama sa survey form ang kanyang pangalan.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na kung gustong mong mapasama sa trend ng mga nagbabalak tumakbo sa isang national position ang iyong pangalan ay kailangan mong magbayad sa mga sikat na survey firm.

Daang libong piso po ang pinag uusapan dito para lamang mailagay sa listahan ang isang pangalan.

Ang halaga ay nado-doble pa habang papalapit ang mismong araw ng eleksyon.

Ang bida sa ating kwento na sa palagay niya ay suswertehin na siya sa gagawin niyang muling pagtakbo bilang senador sa 2022 ay si Mr. B….as in Bangkito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending