Janno Gibbs pangarap maging ‘senador’, pero bakit hindi nag-file ng CoC?
NAGING usap-usapan sa social media ang naging post kamakailan lang ng TV host-comedian na si Janno Gibbs.
Sa Instagram, ibinandera niya ang isang poster ng kanyang picture at may katagang “Janno para sa Senado.”
Ang caption pa nga niya riyan, “Ituloy ko na ba?! [winking emoji]”
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: Aiko sa celebs na tatakbo sa eleksyon: Isapuso ninyo ang pagpasok sa pulitika!
Sa comment section, hati ang naging reaksyon ng netizens –may mga nagpakita agad ng suporta sa komedyante, may iilan naman na hindi naniniwala, habang may mga hindi sang-ayon.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Go we will vote for you may sarılı kang paninindigan at mahal mo ang bayan, kailangan ng bayan ang tulad mo.”
“Kahit joke lang to, mas iboboto pa kita kesa sa mga tumatakbong iba jusko.”
“Wag na masisira lang image mo tumulong na lang sa ibang paraan…”
“Your intentions are good but I hope you don’t get corrupted by the system. You are a good person.”
Sa pamamagitan ng Threads, nilinaw ni Janno na seryoso siya sa kanyang ipinost tungkol sa pagnanais niyang tumakbo sa pagkasenador.
“My feed post of ‘Janno sa Senado’ was not a joke,” bungad niya.
Paliwanag pa ng TV host, “I’ve been wanting to go into politics these past few years. Those who follow me know I’ve always been politically active in my IG. Sabi nga nila ‘Puro ka reklamo, bat di ka tumakbo?!’ But my family does not approve. They are scared of the consequences. Still, I was weighing my options.”
Nabanggit din niya na balak niyang tumakbo sa eleksyon sa taong 2028.
“Seeing the circus of who are running, I didn’t want to be included in a ridiculous line up. Maybe in 2028? [emojis],” wika ni Janno.
Ilan lamang sa mga celebrities na nag-file na ng certificate candidacy para sa 2025 midterm elections ay sina Philip Salvador, Marco Gumabao, Ion Perez, Enzo Pineda, Diwata, at ang content creator na si Rosmar Tan.
Tatakbo rin next year ang ilang kilalang personalidad kabilang na sina Manny Pacquiao, Arjo Atayde, Richard Gomez, Jolo Revilla, Lani Mercado-Revilla, Lucy Torres-Gomez, Yul Servo, at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.