Janno nakakalimutan kung minsan na patay na si Ronaldo Valdez

Janno nakakalimutan kung minsan na patay na ang amang si Ronaldo Valdez

Ervin Santiago - May 06, 2024 - 12:39 PM

Janno nakakalimutan kung minsan na patay na ang amang si Ronaldo Valdez

Ronaldo Valdez at Janno Gibbs

NAKAKALIMUTAN ni Janno Gibbs kung minsan na pumanaw na ang kanyang amang veteran actor na si Ronaldo Valdez.

May mga pagkakataon kasi, lalo na kapag may mga okasyon, na naiisip niya ang kanyang tatay na buhay pa at muli niya itong makikita at makakasama.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, binalikan ni Janno ang mga huling sandali na kapiling si Ronaldo at kung paano nakaapekto ito sa kanya at sa kanilang pamilya.

Baka Bet Mo: Angeline inaatake ng post-partum depression: Minsan bigla na lang akong iiyak, tapos galit na galit ako sa tatay ng anak ko…

“I still miss him,” ang sabi ng komedyante at TV host kasabay nga ng pagsasabing nalilimutan niya minsan na patay na ang ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)


“I still forget. Kailan pa lang naman eh. Halimbawa may family birthday kami, naiisip ko ‘Ah makikita ko siya…’ ‘Ay oo nga pala, wala na siya,’” lahad ni Janno.

Ayon pa sa veteran comedian na direktor na rin ngayon, nakausap pa niya ang ama bago ito tuluyang mamaalam.

“Actually nakapagpaalam ako sa kaniya, ako lang Tito Boy. Before the ambulances and the police came, I was there in his horrible state.

“And I got to say my goodbyes. I was talking to him, of course he was not answering. I got to kiss him and say ‘I love you. Thank you,’” sabi pa niya.

Baka Bet Mo: Janno Gibbs na-sad sa pang-iinsulto ng bashers sa kanyang ‘age filter app’ video sa TikTok

Humihinga pa raw ang veteran actor habang kinakausap niya ito, kaya alam niyang narinig nito ang kanyang mensahe.

Nang dahil sa pagpanaw ni Ronaldo, mas naging matatag pa raw ang pagsasama nila ng asawang si Bing Loyzaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)


“Alam naman ng lahat na we have gone through rough patches. We’re married, so we just had bad days, bad moments.

“We’re in a good place now, especially because of what happened with my dad. It was me and Bing who were there. Kami lang ang nakakita sa kaniya in his state,” aniya pa.

Pero inamin din ni Janno na nagka-trauma si Bing sa pagkamatay ni Ronaldo, “Na-traumatize si Bing. ‘Yung kids ko naman, ‘yung isa nakatira na abroad, ‘yung isa may sarili na ring buhay. Kami ang security blanket ng isa’t isa sa ngayon.

“Na-traumatize siya with what happened. Kasi wala na rin ‘yung daddy niya, so daddy ko ‘yung daddy na niya, ‘yun na lang ang tatay niya,” pagbabahagi pa ni Janno.

“Na-traumatize siya, so hindi ko siya puwede iwanan, hindi rin niya ako puwedeng iwanan mag-isa. Now we’re in a good place,” dugtong ng komedyante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumakabilang-buhay si Ronaldo sa edad 76 noong December, 2023. Bago mamaalam, nakagawa pa sina Janno at Ronaldo ng pelikula, ang “Itutumba Ka Ng Tatay Ko,” na siya rin ang nagdirek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending