Ronaldo Valdez nagparamdam kay Melissa Gibbs sa pamamagitan ng panaginip
SA kauna-unahang pagkakataon, napanaginipan ng dating singer-actress na si Melissa Gibbs ang amang si Ronaldo Valdez mula nang mamatay ito.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng sister ni Janno Gibbs na nagparamdam ang namayapang veteran actor sa pamamagitan ng panaginip.
Nag-share si Melissa ng kanyang litrato sa IG noong bata pa siya kung saan kasama nga niya ang amang si Ronaldo.
“First time I dreamt of you last night papa,” ang bahagi ng caption ni Melissa sa kanyang post.
“Niyakap kita and sabi mo sa ‘kin, ‘alam ko mahal na mahal mo ‘ko,'” dagdag pa niya.
May isang IG user na nag-comment sa kanyang post na nagsabing, “Nakaka happy pag ganyan.” Na ang tinutukoy nga ay ang kanyang panaginip.
Sinang-ayunan naman siya ni Melissa, “Super.”
Pumanaw si Ronaldo noong December 17 sa loob ng kanyang kuwarto sa bahay ng kanyang anak na si Janno Gibbs sa Quezon City. Naging kontrobersyal pa ito dahil natagpuan nga ang aktor na duguan at may hawak na baril.
View this post on Instagram
Sa isang panayam kay Janno, nabanggit niya ang isang life lesson na natutunan mula sa namayapang ama na hanggang ngayon daw ay baon-baon niya.
Pahayag ng komedyante at TV host, ibang-iba raw ang veteran actor sa mga karaniwang tatay na mahigpit, istrikto at kinatatakutan ng kanilang mga anak.
“One was he always said that, sabi niya, children are some of the most oppressed people. Kasi nga ‘di ba ang usual Filipino father, kinakatakutan, stiff, hindi sweet, ‘di ba?” sey pa ni Janno.
“Siya, he’s the opposite of that. He’s very sweet. Touching siya. ‘I love you’ ganoon ang mga text namin.
“Beso-beso. Even at this age at kahit lalaki-to-lalaki, ‘di ba. So, I’m like that to my kids,” dugtong pa ng beteranong komedyante.
Naibahagi rin ng singer-actor na mukhang pinaghandaan talaga ni Ronaldo ang kanyang pagpanaw. Siya ay 77 years old
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.