Dingdong winner sa ‘Seven Sundays’; Ronaldo Valdez naiyak
ANG galing daw ni Dingdong Dantes sa “Seven Sundays” na pinipilahan sa takilya ngayon. Kasama ni Dingdong sa Cathy Garcia-Molina movie na ito sina Aga Muhlach, Enrique Gil and one of the sexiest actors ng bansa, si G. Ronaldo Valdez.
I never doubted Dingdong to have become one formidable actor. Noon pa man ay meron na talaga siyang talent sa pag-arte. Hindi lang kaguwapuhan ang kanyang puhunan. And mind you, he is a good soul. We just love his charisma. Very respectful pa. Kaya sabi ko nga, sakaling he decides to join public service, may K talaga siya. Hindi iyan magiging corrupt tulad ng ibang mga kakilala nating artista na nag-politics. I swear.
Speaking naman of Mr. Ronaldo Valdez, para sa akin, he is oooooozing with so much sex appeal kahit relyebo sisenta na siya. Iba ang taglay niyang machismo. He’s super sexy for me. Dala na rin siguro ng imahe niya and that certain masculinity like no other.
Noon pa man ay bilib na bilib na talaga ako sa taong ito. Grabe magdala ng eksena. Kaya we must not miss “Seven Sundays” na hinuhulaang tatagal sa theaters ng more than seven Sundays din.
Marami namang na-touch sa guesting ni Mr. Ronaldo Valdez sa Magandang Buhay, lalo na nang maiyak siya dahil sa naging mensahe ng kanyang anak na si Melissa Gibbs.
Para sa veteran actor, ang lahat ng ginagawa niya hanggang ngayon ay para pa rin sa kanyang mga anak at mga apo.
q q q
Na-shock si Direk Joel Lamangan nang malamang namatay na si Tito Maning Borlaza. Naging close din daw kasi sila nito.
“Mabait na tao. Masayang kausap and talagang marami kang matututunan sa kaniya. Nakakatuwa iyan pag tinatanong ko kung bakit lagi siyang excited tuwing papasok sa MTRCB where he was Vice Chairman.
“Sinasabi niya sa akin na excited siya to wear new outfits tuwing mag-oopisina siya. Talagang nag-aayos siya, pinaghahandaan niya ang office work. Yung alam mong nai-enjoy niya ang pagiging busy. He’s such a big loss sa industry natin,” ani Direk Joel nang mag-meeting kami for a future project sa Dulcinea the other day.
Yes, we are doing a beautiful film (thriller) early next year entitled “16th Floor”. Ito ang magiging launching movie ng bago kong anak-anakang si Briant Scott (Lomboy) who is to finish muna his 12th Grade sa school. Habang nag-aaral ay puspusan ang kanyang pagdyi-gym and acting workshop para di raw siya dehado sa mga makakasama niya sa future film na ito.
“Excited ako sa project na ito, kakaiba siya. Indie man ito pero malaking ang potential. Ayusin na natin,” sabi ni Direk Joel sa akin.
Maniwala ba kayong nabuo ang napakagandang istorya ng “16th Floor” sa isang panaginip ko? Kaya abangan n’yo ang pelikulang ito at talagang masa-shock kayo!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.