Talent manager ni Ronaldo Valdez nanaginip: Parang bangungot, ang weird!
NAPAISIP ang mga netizens na nakabasa sa mahabang post sa Facebook ng talent manager ng yumaong aktor na si Ronaldo Valdez.
Makahulugan para sa mga FB followers ni Jamela Santos ang kanyang kuwento tungkol sa naging panaginip niya na may kaugnayan sa isang taong matanda na pero feeling young pa rin sa social media.
Ang tanong nila, may konek kaya ang sinasabi niyang panaginip sa pagkamatay ni Ronaldo Valdez? Narito ang laman ng FB status ng talent manager.
Baka Bet Mo: Ronaldo Valdez may ‘unusual gesture’ sa kanyang talent manager bago mamatay
“Nanaginip ako kagabi na producer daw ako ng movie. Parang bangungot, ang weird !!!!
“Eto daw ang title ng movie…
“A VERY GOOD WIFE.
“Subtitle What is your legacy???
“Eto yung character ng main bida (Matanda na pero feeling young sa mga filter sa selfie),” panimula niya.
View this post on Instagram
Kasunod nito, inilarawan niya ang female lead star sa “ipinrodyus” niyang pelikula sa kanyang panaginip.
“1. ‘I’m a good mother’ – wala ako napagtapos sa mga anak ko kahit money is not an issue.
“2. ‘I fight for my happiness’ I need to be with my first love at all cost kahit palayasin ko sa bahay asawa ko at masaktan anak ko na babae. Basta kunin ko lahat- bahay, kotse, pera sa bank max out ko credit card . (Di naman papalag yun eh, i’m a spoiled wife) kahit napalayas ko na sya sa bahay at nakuha ang lahat hingi pa rin ako ng pera. He needs to pay for his sins.. ya know!
“Gusto ko nga isapelikula ang lovestory namen ng first love ko eh. Kase ang ganda ng plot twist. Si God talaga gumawa ng paraan para magkasama kame ulit. (Lokohin mo lelang mong panot! Wag ako!)
Baka Bet Mo: Tippy Dos Santos hindi pa handang mawala ang ina: ‘My mom was full of life’
“3. ‘I’m a queen’ – I take pride not to work a day in my life. I have driver, gardener, maids (pero waley kame kahit insurance and investment) Salon and shopping everyday. Treat out my friends. OK lang. (Always a liability, never an asset is my peg)
“Nambababe naman yang asawa ko – DATI . Deserve ko to. Di ko hihiwalayan. Ano ako bale? Yoko mag work noh?! Bibigyan ko lang sya allowance. Hawak ko ang kaban,” pagpapatuloy na kuwento ni Jamela.
Dugtong niya plot twist ng kanyang dream, “So ending. Nagising ako. Syempre di ko ipo produce tong movie na to.
“Walang values na matutunan ang movie goers except siguro with 2 things.
“1. Choose who you worship . Si Lord ba talaga o ang sarili mong kaligayahan? (I think guilty naman tayong lahat dito )
“2. Choose your life partner wisely. It can make or break you.(ganda ng image on the outside pero bulok in the inside.. a wolf in sheep’s clothing ika nga )
“Nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos na even I’m rough on the edges (wala tayo magagawa lumaki ako sa Tundo eh )…” pagbabahagi pa ng manager ni Ronaldo.
Sa huli, sinabi ni Jamela na ayaw niyang maging part ng kanyang panaginip, “Buti na lang balik na ako with my reality.”
Isang netizen ang nagkomento kung puwede niyang hulaan ang tinutukoy na “main character” sa dream ni Jamela pero tugon nito, “Waaaaaag!! Dangerous people. Yoko maging collateral damage. It will stop there.”
View this post on Instagram
May mga nagkomento na mukhang hindi raw panaginip ang kuwento ni Jamela kundi nangyari talaga sa totoong buhay.
Matatandaang dalawang araw bago pumanaw si Ronaldo noong December 17, 2023, nag-dinner pa sila ni Jamela. Sa kanyang Facebook, ibinahagi ng talent manager ang mga litrato at video nila ni Ronaldo na kuha sa kanilang “last dinner.”
Sabi niya sa caption, “This is my last dinner with him last Friday, Dec 15.. It’s supposed to be my despedida dinner because I’m leaving for abroad soon.
“Only to know that this will be the last time I’m going to see him. He even gave me 3 white equadorian roses.. an unusual gesture.
“You always tell me that I’m the only reason why you are still living.. That’s the reason why I didn’t leave the country as much as I used to.
“That’s the reason why I will.drop.everthing whenever you invite me for coffee or drinks. Because i know someday you’re going to leave me.
“But I never thought you’re going to leave me this soon…
“How can I ever endure this pain ??? How can I go on with my life?? Bangungot ba to??
“I’ve never cared for another human being as much as I cared and love you. Thank you Pepe for making me realized I am capable of caring that much for a person..
“I cannot bear this pain… Lord… please help me ‘Te amo tanto mucho, Pepe,'” mensahe ni Jamela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.