Rocco pinuri si Melissa bilang asawa't ina, bilib sa lahat ng nanay: 'Us men salute you for all sacrifices you make for your children' | Bandera

Rocco pinuri si Melissa bilang asawa’t ina, bilib sa lahat ng nanay: ‘Us men salute you for all sacrifices you make for your children’

Ervin Santiago |December 11,2022
facebook
share this

Rocco pinuri si Melissa bilang asawa’t ina, bilib sa lahat ng nanay: ‘Us men salute you for all sacrifices you make for your children’

Ervin Santiago - December 11, 2022 - 08:01 AM

Rocco pinuri si Melissa bilang asawa't ina, bilib sa lahat nanay: 'Us men salute you for all sacrifices you make for your children'

Rocco Nacino, Melissa Gohing at Baby EZ

BINIGYANG-PUGAY ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang asawang si Melissa Gohing hindi lamang sa pagiging loving wifey kundi bilang isang “hardworking mommy” din.

Pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens ang appreciation post ni Rocco para kay Melissa kung saan nagpasalamat nga ito sa lahat ng ginagawang sakripisyo ng asawa para sa kanilang pamilya.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Rocco ang ilang litrato nila mula sa kanilang latest family shoot, kalakip ang mensahe para kay Melissa na kung minsan ay nagda-doubt sa sarili niya bilang nanay.

“You feel lousy and ugly but these pictures show otherwise. Everyday you are blooming with happiness and contentment, even when without sleep,” ang bahagi ng caption ng aktor sa kanyang IG post.

Nangako pa si Rocco na gagawin niya ang lahat para mapaligaya ang asawa at palagi lamang nandiyan para suportahahan at i-guide si Melissa.

“I want to let you know that I am always proud of you @gohingmelissa and you are always doing the greatest job at being a mom, and looking beautiful at the same time!

“To all mommies out there, us men salute you for all sacrifices you make for your children!” pahayag pa ni Rocco na gabi-gabing napapanood sa GMA primetime series na “Maria Clara at Ibarra.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)


Nagkomento naman si Melissa sa open letter ng kanyang mister, “I love you mi amor. Why are you making me cry? Thank you for always being there for me and EZ.”

Sa isang interview sinabi ni Rocco na marami siyang natutunang aral sa buhay mula sa kanyang magulang na ituturo rin niya sa anak nila ni Melissa.

“Siguro ang alaala mula sa parents ko na na gusto kong ibigay sa magiging anak namin ay yung hindi kami magiging controlling sa kung ano ‘yung magiging path niya.

“Iga-guide namin na ito ‘yung magiging mga options, ganito ‘yung mangyayari, kung nag-decide ka na ganito may ganitong consequence maybe good or bad, and the only way to experience life is to really experience it and fail and learn from whatever failures na mangyari,” ani Rocco.

Sey naman ni Melissa bilang first-time parent, inspiriasyon niya ang kanyang nanay sa pagiging mommy, “Kasi I grow up with four siblings so ‘di ko alam kung paano ginawa ng Mom ko ‘yung pagprotekta sa lahat. So we are planning kapag nanganak na ako uuwi ‘yung mom ko to guide me.

“Nasa Dubai kasi ‘yung Mom ko. We’re very excited para makapag-bond na rin siya sa apo niya. Looking forward sa guidance ng Mom. And sa parents din ni [Rocco] na nandito palagi para sa amin. Palaging nagpapadala ng fruits,” sabi pa ni Melissa.

Ikinasal sina Rocco at Melissa noong January, 2021. Isinilang ang first baby nilang si Ezren Rafaello noong October.

Hirit ni Rocco ngayong mag-asawa na sila ni Melissa: Magkasama na kami mag-CR, sabay na rin maligo

Gender reveal para sa anak nina Rocco Nacino at Melissa Gohing idinaan sa ‘prank’: We’re having a baby BOY!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Misis ni Rocco ayaw pang magka-baby: Ako gusto ko na talagang magkaanak, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending