Hirit ni Rocco ngayong mag-asawa na sila ni Melissa: Magkasama na kami mag-CR, sabay na rin maligo | Bandera

Hirit ni Rocco ngayong mag-asawa na sila ni Melissa: Magkasama na kami mag-CR, sabay na rin maligo

Ervin Santiago | March 17,2021 - 09:36 AM

MAKALIPAS ang halos tatlong buwan, mas marami pang na-discover sa isa’t isa ang mag-asawang Rocco Nacino at Melissa Gohing.

Ibang-iba na raw ang feeling ni Rocco ngayong nagsasama na sila sa iisang bahay ni Melissa, hindi raw talaga niya maipaliwanag ang kaligayahang nararamdaman.

Aniya, pagkatapos nilang ikasal nitong nagdaang January napakarami na niyang natutunan at nadiskubre sa kanyang sarili at kay misis.

“It’s really, really, different. Iba talaga yung feeling. Kasi everyday makikita mo siya paggising mo, araw-araw may bagong discovery, may bagong lesson in life,” pahayag ni Rocco nang mag-guest sila ni Melissa sa “Sarap Di Ba?.”

Aniya pa, “We finally saw how each other sleeps, magkasama kami mag-CR, magkasama kami maligo. Ganu’n na ang buhay mag-asawa. It’s so much fun kasi everyday is another opportunity for us to learn more about each other.”

Kuwento pa ni Rocco, isa sa mga challenge na hinaharap nila bilang bagong kasal ay ang pagtatrabaho nila sa panahon ng pandemya dahil nga may pagkakataon na matagal silang hindi nagkakasama.

Kung minsan daw ay umaabot ng ilang linggo ang hindi nila pagkikita dahil kailangan nilang sumunod sa ipinatutupad na safety protocols para hindi sila tamaan ng COVID-19.

Pero sabi ni Rocco, “May disadvantage na hindi tayo magkakasama. Pero ang maganda du’n, excited ako umuwi ngayon and spend time here.

“Usually kasi gusto ko nasa labas ako e. Ngayon, I always look forward to going home and going home to my wife,” aniya pa.

Sabi naman ni Melissa, “Kapag naglaro ako sa Philippine team before, I think ‘yung max I was gone for 25 days.

“Kaya understandable naman. Work is work. We’re here to support each other all the time. Nakaka-miss siyempre, mami-miss niyo isa’t isa,” dagdag pa ng professional volleyball player.

Hirit naman ni Rocco, “Pero kailangan din magtrabaho, kailangan pa ring magbanat ng buto para sa kabuhayan.”

Nauna rito, inamin din nina Rocco at Melissa na wala pa silang balak magka-baby anytime soon.

Paliwanag ng Kapuso actor, “Ako ‘yung may gustong magka-baby agad. Si Mel ang gusto pang mag-trabaho.

“Sa akin naman, ayoko lang ng may regrets. I want to give her that, kapag talagang sawa na siya sa volleyball and she feels na sapat na ‘yung nabigay niya to the sport, doon na kami magbabalak mag-family,” esplika pa ng aktor.