Namayapang komedyante na si Joey Paras 'dinalaw' si Lovely Abella sabay tanong ng, 'Gaaaaaaa...totoo bang patay na 'ko?' | Bandera

Namayapang komedyante na si Joey Paras ‘dinalaw’ si Lovely Abella sabay tanong ng, ‘Gaaaaaaa…totoo bang patay na ‘ko?’

Ervin Santiago |November 05,2023
facebook
share this

Namayapang komedyante na si Joey Paras ‘dinalaw’ si Lovely Abella sabay tanong ng, ‘Gaaaaaaa…totoo bang patay na ‘ko?’

Ervin Santiago - November 05, 2023 - 07:54 AM

Namayapang komedyante na si Joey Paras 'dinalaw' si Lovely Abella sabay tanong ng, 'Gaaaaaaa...totoo bang patay na 'ko?'

Joey Paras at Lovely Abella

NAGPAKITA ang yumaong komedyante na si Joey Paras sa kanyang kaibigan na si Lovely Abella sa pamamagitan ng panaginip.

Nagluluksa at durog din ang puso ng Kapuso actress at negosyante sa pagpanaw ni Joey na matagal din niyang nakasama noon sa dating Sunday variety show ng GMA 7 na “Sunday PinaSaya.”

Nitong nagdaang Huwebes, November 2, inilahad ni Lovely sa kanyang Facebook account ang pagdalaw ng komedyante sa kanyang panaginip. Ito’y ilang oras matapos niyang makita ang burol ng kaibigan sa social media.

Kalakip ang litrato na kuha sa lamay ni Joey, ikinuwento nga niya ang mga eksena sa kanyang panaginip.

“OMG!! Kakagising ko lang at kasama ko siya sa panaginip (crying emoji).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Nakita ko ang post ng wake and interment ni mama joey kanina bago ako makatulog, dahil ako ang nagbabantay ng anak ko sa madaling araw kaya umaga ang tulog ko,” ang simulang pagbabahagi ni Lovely sa kanyang FB status.

Patuloy ng aktres, “Nagkita daw kami somewhere at ang sabi niya sakin.

“J: Gaaaaaaaaaaa totoo bang patay na ako?

“Hindi siya malungkot, yung face niya maaliwalas, kung paano kami nagkikita sa sunday pinasaya.

Baka Bet Mo: Lovely Abella nakalabas na ng ospital matapos operahan dahil sa impeksyon sa panganganak, hindi pa pwedeng magpadede

“L: Oo ma, pupuntahan natin ngayon kung saan ka nakaburol, sobrang ganda ma matutuwa ka kasi napapaligiran ka ng flowers.

“Pagdating namin.

“J: Oo nga Gaaa ang gandaaaa!

“L: darating mga bisita mo mamaya kung may gusto kang ipasabi, sabihin mo sakin ako magsasabi sa knila,” ang paglalahad ni Lovely sa laman ng kanyang panaginip.

Agad daw niyang ikinuwento ito sa kanyang mister na si Benj Manalo, “Tapos nagising ako, sinabi ko sa asawa ko na napanaginipan ko si mama joey, sabi niya pakinggan mo kung ano ang sasabihin (3 crying heart emoji),” pagbabahagi pa ng Kapuso star.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)


Sabi pa ni Lovely sa kanyang post, “Grabe nalungkot ang puso ko, dahil isa siya sa nakatrabaho ko na napakabait at hindi pinagdadamot ang talentong pinagkaloob saknya ni Lord, lagi niya ako tinutulugan at lagi ako nagpapatulong saknya kung paano ang tamang atake ng ibang eksena ko sa sunday pinasaya.

Baka Bet Mo: Hirit ni Ellen sa kwelang netizen: Baka sa part 2 ng panaginip mo patay ka na! Joke!

“Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko, pero isa lang ang nakita ko saknya, ramdam ko na bago siya nawala nasurrender niya ang sarili niya kay LORD kaya hindi masakit para saknya o walang pagsisisi akong narinig mula sa kanya.

“Ang bilis ng buhay, at alam ko na pinapakita lang ni mama joey sa sitwasyon na to, na kailangan nating ingatan ang buhay na binigay sa atin.

“Wag nating abusuhin ang katawan natin kahit alam nating kaya pa, magipon tayo habang kumikita at may trabaho pa, para kahit papano handa tayo sa mga mangayyari.

“Marami ang nagmamahal sayo ma at isa na ako don.

“May we request to include him in your prayers for the eternal repose of his soul,” mensahe pa ni Lovely Abella.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Namatay si Joey last Sunday, October 29 sa edad na 45.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending