outbrain
Wacky Leaks Archives | Bandera

Tigasing opisyal hanap ay PR para mapaganda ang image

PARA palang nagsa-shopping ngayon sa mall ang isang mambabatas. Pero hindi siya namimili ng mga personal na gamit kundi naghahanap ng mahusay na PR firm na hahawak sa kanyang walang kabuhay-buhay na public image. Tila kahit anong isyu kasi ang sakyan ni Sir ay sablay ang dating sa publiko dahil hindi niya kalkulado ang resulta […]

Ex-gov’t official napurga sa kare-kare sa VDay

SA tuwing sumasapit ang araw ng kanyang birthday, Pasko at maging tuwing Valentine’s Day, ay problemado ang ating bida. Sa mga ganitong panahon ng selebrasyon ay nauubos ang kanyang araw sa pag-iikot sa kanyang mga mahal sa buhay. At kapag sinabi nating mahal sa buhay, ito ay nangangahulugan na mga karelasyon bukod pa sa kanyang […]

‘Amboy’ protektor ng ilang business groups

MAY secret asset sa loob ng administrasyong Duterte ang grupo ng ilang mga negosyante. Kilalang “American Boy” o Amboy ang ating bida na siyang tagaharang umano sa proyekto ng ilang grupo na pilit dumidikit sa kasalukuyang pamahalaan. Ang opisyal na ito rin ang sinisisi ng ilang grupo kung bakit atrasado ang ilang mga infrastructure project […]

Bonggang lifestyle ni Madam nakatimbre na sa Malacanang

NASA hot seat ngayon ang isang opisyal ng gobyerno dahil sa akusasyon ng katiwalian. Sinabi ng aking cricket na nakarating na sa Malacanang ang mga ulat ukol sa maluhong pamumuhay ng bida sa ating kwento ngayong araw. Kung dati ay isang ordinaryong van lamang ang sasakyan ni Madam, ngayon ay papalit-palit na ito sa paggamit […]

Mr. Politician relihiyon ang tiket sa pulitika

GRABE sa panggugulang ang isang kilalang pulitiko lalo’t kung ang kalaban niya sa kaso ay mga kapwa rin niya pulitiko. Kamakailan ay inabswelto ng anti-graft court ang isang dating municipal councilor na napag-initan dahil sa pulitika. Agawan sa lupa sa isang bayan sa Central Luzon ang pinagmulan ng sigalot. Dahil sa impluwensya at relihiyon ay […]

Mayor sa Central Luzon balak i-’people power’

TUMATAGINTING na P600 milyon ang balak utangin ni Mayor para maipatayo ang modernong palengke sa kanilang lugar. Walang masama sa gagawin ng alkalde, pero maraming kilay ang tumaas dahil sa multi-million-peso na balak ng kanilang lider. Masyado raw mahal ang nasabing halaga kung ikukumpara sa nakaumang na disenyo sa kanilang pipeline. Bukod dito ay nagdadalawang-isip […]

Performer inaayawan ng raket dahil sa bisyo

MATINDI na raw talaga ang tama sa utak ng isang kilalang “rakista” at kahit mga kaanak nito ay hindi na siya makausap nang matino. Sabi ng aking cricke, halos araw-araw diumano sabog sa droga ating bida ngayong araw. Dinadaan daw kasi nito sa bisyo ang mga problema at kabilan na riyan ay yung sinasabing kawalan […]

Gov’t official ‍magaling sumalisi

TODO-bantay ni misis ang isang matulis na opisyal ng pamahalaan. Bakit nga naman hindi, kahit may edad na nga naman ang kanyang mister ay super hilig pa rin daw mag-sideline si Sir lalo na sa mga matatangkad na babae. Minsan nang nahuli ni misis ang chickboy niyang mister na may girlfriend na umbrella girl mula […]

Pondo sa sakuna kinukupit pa

DAHIL sa naganap na trahedya dulot ng pagsabog ng bulkang Taal ay naalala ko ang kwento tungkol sa isang pulitiko na masaya kapag may trahedyang nangyayari sa kanilang lalawigan. Lilinawin ko lang na walang kinalaman dito ang mga lider sa mga lalawigang nakapaligid sa Taal dahil ang ating kwento ngayong araw ay malayo rito. Si […]

Nominasyon ni Madam sa CA apektado dahil sa controversial hubby

NAIMBYERNA ang isang kandidata sa pagka-associate justice ng Court of Appeals. Bakit nga naman hindi, imbes na sa kanyang kakayahan bilang isang abogado ang maging sentro ng interview ay ang kanyang abogadong mister ang naging laman ng isa sa mga interview sa kanya ng Judicial and Bar Council (JBC). Sikat kasi ang esposo ni Madam […]

Metro Manila mayor binubuyong tumakbo sa 2022 presidential polls

BANTAY-sarado ng kanyang mga tunay na kaibigan ang isang city mayor dahil baka magkamali siya sa kanyang susunod na political move. Ito ay dahil pilit siyang ibinubuyo ng ilan sa kanyang mga tauhan na tumakbo sa mas mataas na pwesto sa 2022. Sinabi ng aking cricket na numero unong nagtutulak kay Mayor na tumakbo siya […]

What's trending