Kilalang business leader labas-masok na sa ospital | Bandera

Kilalang business leader labas-masok na sa ospital

Den Macaranas |
Wacky Leaks -
May 19, 2021 - 10:52 PM

Hindi lamang ang araw-araw na stress sa trabaho kundi ang kanyang edad ang dahilan kung bakit madalas ay nagiging masasakitin ang isang kilalang business leader sa bansa.

Sa unang quarter pa lamang ng taon ay kung ilang beses na siyang naglabas-masok sa ospital dahil sa ilang mga karamdaman.

Noong nakalipas na buwan ay muli na namang nalagay sa alanganin ang kanyang kalusugan nang tamaan siya ng Covid-19 virus sa ikalawang pagkakataon.

Sinabi ng aking cricket na kinausap ng kanyang duktor ang ating bida at pinayuhan ito na maghinay-hinay sa kanyang mga araw-araw na gawain.

Dahil siya ang pinuno ng ilang malalaking negosyo sa bansa at umaasa sa kanya ang halos ay 55,000 nilang mga empleyado kaya ganun na lang ang pagtutok niya sa kanyang trabaho bilang chief executive officer o CEO.

Pero dahil sa tindi ng stress sa araw-araw ay unti-unti na ring iginugupo nito ang kalusugan ng ating bida.

Tunay na hindi kayang tapatan ng halaga ang mahusay na kalusugan.

Kaya noong isang linggo ay inanunsyo na niya sa kanyang mga stakeholders at sa publiko bibitawan na nila ang pagiging CEO ng isa sa pinaka-malaking communication firm sa bansa.

Inaasahan rin na ihahayag niya sa mga susunod na buwan ang unti-unting pagpasa ng liderato sa mga pinagkakatiwalaan niyang tao para mabawasan ang kanyang mga obligasyon at matutukan ang napabayaang kalusugan.

We wish you all the best. Hoping you find strength with each new day Mr. MVP!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending