'Madam A' may planong bumalik sa pulitika | Bandera

‘Madam A’ may planong bumalik sa pulitika

Den Macaranas |February 24,2021
facebook
share this

‘Madam A’ may planong bumalik sa pulitika

Den Macaranas |
Wacky Leaks -
February 24, 2021 - 02:52 PM

Mukhang totoo nga ang mga balita tungkol sa “I shall return” scenario sa larangan ng pulitika sa bansa.

Pero this time isang local position ang target ng ating bida na dating mataas na opisyal ng gobyerno.

Pero bago ko ituloy ang aking kwento, liwanagin ko lang na wala itong kinalaman sa lungsod ng Maynila kundi sa isang city within Metro Manila.

Ayan ha…malinaw yan.

Sinabi ng aking cricket na nagkaroon na raw ng ilang consultative meeting kaugnay sa napipintong pagbabalik sa pulitika ng ating bida na nauna nang nagsabi na graduate na siya sa government office.

Mukhang hindi niya kaya na wala siyang ginagawa at in fairness ayon sa aking cricket hindi raw matiis ni dating pulitiko ang mahinang leadership sa kanilang mahal na lungsod.

Noong nakaraang taon ay lumutang ang mga balita na susuportahan ng ating bida ang mayoralty bet ng isang kongresista na matagal na niyang kaalyado sa pulitika.

Pero sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay naiba ang ihip ng hangin at ngayon daw ay si “madam” na ang may gustong tumakbo sa susunod na halalan.

Mas tiyak nga naman ang kanyang panalo lalo’t matunog na makakaharap nya sa halalan ang isang senador, dating mayor at syempre ang kasalukuyang alkalde na target rin ang  reelection.

Malaking balita ang hinihintay ng kanyang mga kaalyado kung tutuloy ba o magbabago pa ang isip ng ating bida na isa sa may pinaka-makulay na buhay sa kasaysayan ng pulitika sa bansa.

Ang dating pulitiko na ayon sa aking cricket ay nagbabalak tumakbo bilang mayor sa isang lungsod sa Metro Manila ay si Madam A…as in Arigato.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending