Sikat na city mayor, gumagana na ang suporta para sa 2022 | Bandera

Sikat na city mayor, gumagana na ang suporta para sa 2022

Den Macaranas - January 06, 2021 - 07:00 AM

Ibinida ng aking cricket mula sa isang bulubunduking lungsod na nagsimula na raw umani ng suporta mula sa mga grupo ng ilang dating uniformed personnel ng militar at pulisya ang napipintong pagtakbo sa national position ng isang sikat na city mayor.

Bilang patunay, ilang mga dating top military at police officials ang nakapulong ng ating bida dahil naniniwala daw ang mga ito na mahusay na alternative presidential candidate ang nasabing alkalde dahil sa husay ng pamumuno nito.

Huwag na kayong magtaka kung bakit mabilis umani ng suporta ang ating bida dahil siya ay dating ring “Heneral”.

Bago siya pumalaot sa pulitika at naging mayor ng kanilang lungsod ay lumutang na ang pangalan ni mayor bilang matunog na contender noon bilang PNP chief.

Pero ito ay naudlot dahil na rin sa kanyang prinsipyo na hindi nagustuhan nang dating prinsipe sa palasyo.

Fastforward tayo,  ngayon ay isang pelikula ang ginagawa naglalayong ipakita sa publiko ang “the other side” ni mayor.

Gustong ipakita ng ilan sa kanyang mga malalapit na supporters na mahusay itong alternatibo kumpara sa mga trapo na naghahangad na humalili sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Bagaman wala sa radar at hindi kasama sa mga surveys ang pangalan ay naniniwala naman ang ilang mga nakakakilala kay mayor na kakayanin niyang ituloy ang mga reporma ng kasalukuyang administrasyon.

Ang nakikita lamang nilang problema sa ngayon ay ang gagamiting pondo para maitulak nang husto ang kandidatura ng bida sa ating kwento ngayong umaga.

Ang dating heneral at ngayo’y sinasabing naghahanda para sa kanyang pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa ay si Mr. B….as in Benz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending