Medyo mataray na si 'Miss C' may planong tumakbo sa partylist polls

Medyo mataray na si ‘Miss C’ may planong tumakbo sa partylist polls

Den Macaranas |February 11,2021
share this

Medyo mataray na si ‘Miss C’ may planong tumakbo sa partylist polls

Den Macaranas | February 11,2021 - 06:28 PM

Kaya pala medyo madalang ang media interviews sa isang sikat at magandang government official ay dahil meron siyang bagong pinagkaka-abalahan.

Busy siya sa isang bagong grupo na itinayo na ngayon pa lang ay usap-usapan na sa dami ng mga natulungan.

In fairness ayon sa aking cricket, maraming natulungan ang grupo ni Madam na katunog ng isa ring grupo na nagtataguyod naman sa political agenda ng isang sikat rin na mambabatas.

Mukhang may future sa pulitika si Madam ayon sa aking cricket dahil sa kanyang beauty and brain.

Kahit medyo mataray kung minsan ay carry ng ating bida ang kanyang style.

Kamakailan ay naging laman siya ng balita hindi dahil sa kanyang trabaho kundi dahil sa pag-init ng kanyng ulo sa isa rin namang medyo mataray na miyembro ng media.

Ang balita ko ay medyo nagka-ayos na ulit ang dalawa kaya focus na muli sa kanyang grupo ang ating bida.

Lalahok sa partylist election ang grupo ni Madam pero hindi ko pa alam kung pang ilan siya sa mga nominee.

Kung siya ang magiging mukha ng grupo tiyak na makakakuha sila ng upuan sa kongreso ayon pa sa aking cricket.

Kahit paano daw kasi ay may dating sa publiko ang bida sa ating kwento at idagdag pa ang kanyang magandang aura lalo na sa harap ng camera.

Ang bida sa ating kwento ngayong araw na isa rin sa mga madalas mainterview ng media dahil sa kanyang pwesto sa gobyerno ay si Miss C…as in Calamine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending