Provisional friend. Short-term enemy | Bandera

Provisional friend. Short-term enemy

- October 29, 2021 - 12:40 PM

Habang papalapit ang panahon ng kampanya at mismong araw ng eleksyon ay parami-ng-parami ang pagkakaibigang nasisira dahil sa kanilang paniniwalang pulitikal.

Minsan kahit magkakamag-anak ay nagbabangayan maipagtanggol lang ang kanilang mga napipisil na mga kandidato na isasabak sa halalan.

Kada tatlong taon ay may eleksyon sa bansa na tinatawag na mid-term election kung saan pipili tayo ng labing-dalawang mga senador, partylist representatives, mga lokal at kung minsan ay pati barangay officials.

Tuwing ika-anim na taon naman ay may national at local elections tulad ng magaganap sa 2022 kung saan kabilang sa mga iboboto ay ang posisyon ng pangulo at pangalawang pangulo.

Sa mga nagdaang eleksyon ay malaking papel ang ginampanan ng mga “trolls” sa political system ng bansa.

Kamakailan ay naka-kwentuhan ko habang nagkakape sa aming lalawigan ang isang operator ng tinatawag na troll farm.

Sangkatutak na fake social media accounts ang kanyang hawak maliban pa sa kanyang mga tauhan na ngayon ay abalang-abala sa kanilang “virtual industry”.

Noong araw ay nagsimula ang operator na ito na itatago ko na lamang sa pangalang “Bruno” bilang public relation man ng isang medyo laos na ring mambabatas ngayon.

Mula sa pagiging propagandista ay pinasok na rin niya ang pagiging troll kung saan bahagi ng kanyang trabaho ang magpakalat ng fake news at manira ng ilang kandidato.

Malaki ang pondong umiikot sa industriyang ito at ayon kay Bruno binabayaran niya ng mula P10,000 hanggang P20,000 ang mga hawak niyang troll.

Ang hindi alam ni Bruno ay alam ko na P25,000 ang hinihingi niyang pondo sa kanyang mga kliyente sa kada troll na may malaking bilang ng followers, hawak na social media accounts at matinding impluwensya sa online community.

In short, doble ang kita ni Bruno dahil bukod sa kanyang talent fee bilang troll farm manager ay binubukulan o binabawasan pa niya ang kita ng mga hawak niyang troll.

Wala ring kaalam-alam ang kanyang mga kliyente na patawid-tawid lamang ng kampo ang grupo ni Bruno kung saan mas malaki ang kanilang kinikita.

Ibinida rin niya sa akin na dumating pa nga ang pagkakataon na dalawang magkalabang local politician ang pareho niyang kliyente at walang kaalam-alam ang mga ito na pinaglalaban lang sila sa social media ng iisang tagakumpas.

Binabanggit ko ang mga bagay na ito para tayo ay mas maging mulat sa mga isyu lalo na sa larangan ng pulitika.

Hindi natin kailangang mag-away dahil lamang sa ambisyon ng iilan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tingnan ninyong maige, maraming mga pulitiko ngayon ang nasa iisang partido samantalang dati ay magkaka-laban ang mga ito.

Ganun rin naman ang mga nagsusumbatan ngayon na dating magkakasama sa iisang tribo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending