Sabong ng sikat na aktor vs dating aktor para sa Kongreso | Bandera

Sabong ng sikat na aktor vs dating aktor para sa Kongreso

Den Macaranas |January 20,2021
facebook
share this

Sabong ng sikat na aktor vs dating aktor para sa Kongreso

Den Macaranas - January 20, 2021 - 09:42 AM

Kahit walang project sa showbiz ay okay lang sa isang sikat na aktor dahil meron pala siyang ibang pinaghahandaan sa kasalukuyan.

Sinabi ng aking cricket na target ng ating bidang aktor ang isang congressional district dito sa Metro Manila.

Graduating na kasi o last term na ng kasalukuyang kongresista sa distrito na ito kaya naniniwala ang kampo ng aktor na kayang-kaya niyang ilampaso sa eleksyon ang magiging pambato ng kabilang kampo.

Dati ring aktor ang kasalukuyang kongresista sa pinag-uusapan nating distrito at isa sa kanyang mga kapatid ang sinasabing patatakbuhin nila bilang congressional representative sa 2022.

Sinabi nga ng aking cricket na magiging papogian ang laban kapag nagkataon.

Ang aktor na bida sa ating kwento ngayong araw ay may not so secret weapon sa katauhan ng kanyang girlfriend na aktres na talaga namang sikat na sikat hanggang sa kasalukuyan.

Ang aktor na naghahanda sa kanyang pagpasok sa pulitika ay anak ng isang mahusay na aktres na sumikat noong dekada 90 bilang sexy star.

Naniniwala sila na kaya nilang maipanalo ang susunod na halalan lalo’t hindi rin naman naging mahusay ang performance ng kasalukuyang kongresista sa nasabing distrito.

Tiyak na mahahati ang showbiz sa magiging tapatan na ito susunod na eleksyon.

Dagdag pa na clue: ang kasalukuyang kongresista ay sumikat bilang “Kapuso”, samantalang ang aktor na tatakbo bilang congressman ay isa namang “Kapamilya”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang aktor na naghahanda sa kanyang pagpasok sa pulitika sa 2022 ay si Mr. A….as in Atay.

Ang kongresista naman na magtatapos na ang termino ay si Mr. V…as in Virtual.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending