Bakit 'nadamay' si Piolo Pascual sa hiwalayang Sachzna-Mark?

Bakit ‘nadamay’ si Piolo Pascual sa isyu ng hiwalayang Sachzna-Mark?

Ervin Santiago - July 08, 2026 - 12:06 PM
Bakit 'nadamay' si Piolo Pascual sa hiwalayang Sachzna Laparan-Mark Pascual?
Piolo Pascual, Mark Pascual at Sachzna Laparan

MALUPET ang mga pinakawalang patutsada ng ina ni Sachzna Laparan na si Christine Laparan Policarpio laban sa isang taong hindi niya pinangalanan.

Pero ang paniwala ng mga netizens, siguradong ang tinutukoy nito ay ang ex-partner ng kanyang anak na si Mark Pascual.

Sa isang Facebook post ng nanay ni Sachzna mababasa ang kanyang mga hirit na, “PAG SINABI NG BABAE, ‘HINDI AKO GALIT’ FOR SURE GALIT YAN!”

“‘HINDI AKO NAG SESELOS’, AY GRABEHANG SELOS NA YAN.

“‘SIGE UMALIS KA’, WAG KANG AALIS. ‘OKAY’, AY HINDI OKAY YAN!” ang sabi pa ni Christine.

Kasunod nito, nabanggit din ng ina ng kontrobersyal na social media personality ang tungkol sa pagkakautang umano ni Mark sa anak na umabot na sa P50 million.

Sey ni Christine, “‘WAG MO NG BAYARANG 50M!’ HOY KAPAL AH! SINO NAMAN TANGA HINDI MAG PAPABAYAD NG GANYANG KALAKING PERA! IBIG SABIHIN NYAN MAHIYA KA!”

Sa comments section ng kanyang FB post, nagpatuloy ang pambebengga ni Christine sa ex-dyowa ng anak kung saan nabanggit nga ang pangalan ni Piolo Pascual.

“Maiintindihan ko kung mala ‘PIOLO PASCUAL’ ang mukhaan ni ex eh! grabe naman confidence binigay mo dito anak! ang taas!!!” pang-ookray pa ng nanay ni Sachzna sa dating karelasyon ng dalaga.

Last Saturday, July 4, kinumpirma ni Sachzna na hiniwalayan na niya si Mark after ng halos tatlong taon nilang relasyon.

Post ni Sachzna, “Thank you sa tatlong taon ng walang sawang suporta. Thank you sa pag-push sa’kin na gawin yung mga bagay na akala ko hindi ko kaya. 

“Napakalaki ng naging impact mo sa pagkatao ko bilang Sachzna. Dahil sa’yo, naranasan ko kung paano pala mahalin nang sobra.

“Pero sorry… sorry kung kailangan ko nang sumuko ngayon. Sorry kung hindi na kita kayang hintayin. Hindi ko na kaya yung mga betrayal at yung pain every time may nalalaman ako.

“Yung P50M na utang mo sa’kin at sa pamilya ko, huwag mo nang bayaran. Tulong ko na ’yon sa’yo para magkaroon ka ng chance na makapagsimula ulit. Gusto kong bumangon ka ulit kahit wala na ako sa tabi mo.

“Alam ko kung gaano ka lumaban para sa’kin. Ilang beses mong sinabi na ako yung dahilan kung bakit ka nagpapatuloy. Pero ngayon, sana lumaban ka naman para sa sarili mo. Alam kong kaya mo, at naniniwala akong babangon ka ulit.

“Sorry kung napagod ako. Sorry kung kung kailangan ko na piliin sarili ko.”

Nag-sorry naman si Mark sa mga pagkukulang at sa lahat ng nagawa niyang kasalanan kay Sachzna kasabay ng pag-amin na nagkaroon siya ng finacial problem mula pa noong 2024.

Natalo raw siya ng P150 million sa crypto futures trading.

Bahagi ng post ni Mark, “PATAWAD…

“Sa mga oras mo na nasayang ko sa pag bibigay sakin ng paulit ulit na chance pero hindi ko parin inayos buhay ko sa mga betrayals sa mga sakit naibigay ko sayo sorry… ang hirap lang din ng sitwasyon ko pero alam kong walang explanation para ma justify ung mga pangakong na napako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Alam kong binigay mo sakin lahat ng kaya mo pero sinayang ko alam kong kasalanan ko to lahat sobrang sakit. Im so sorry baby,” sabi pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending