Kilalang aktor matindi ang galit sa isang female singer, anyare?

HANGGANG ngayon pala ay matindi pa rin ang galit ng kilalang aktor sa female singer dahil kahit na ilang beses nang nag-attempt na kausapin siya para magpaliwanag ay hindi siya pinapansin.
Nabanggit ito ng mga taong nakakita mismo nang lapitan ng female singer ang kilalang aktor para mag-explain tungkol sa nangyaring gusot na kinasangkutan ng una ay nag ‘NO!’ agad ang huli at halatang galit.
Super mabait, level headed, at napaka-pasensiyoso ng kilalang aktor at simula nang makilala sa showbiz ay wala siyang nakasamaan ng loob maging ang mga naging ex-girlfriends niya ay speaking terms sila kaya mapupuri mo talaga siya at maging sa co-actors niya ay walang reklamo sa kanya isama pa ang production people.
Kaya ang running joke kapag nagalit o naubos ang pasensiya ng kilalang aktor ay siguradong matindi at hindi katanggap-tanggap ang ginawa sa kanya at isa na ang female singer.
Baka Bet Mo: Sikat na female celebrity dedma sa 2 ex-BF, bagong manliligaw super rich
Sa pagpapatuloy ng ilang taong nakasaksi sa paglapit ng female singer ay, “Akala siguro ni girl (singer) ay okay kay (kilalang aktor) ‘yung ginawa niya kasi nga close sila as in ‘di ba napagkamalang mag-dyowa hindi naman, kasi feeling ng ate mo, type siya, e, wit naman.”
Nabanggit pang sobrang na-hurt ang female singer sa naging asta sa kanya ng kilalang aktor at hindi nito napigilang hindi umiyak na nakita naman ng kasama niya.
Ang female singer naman ay hindi na ulit nagparamdam sa kilalang aktor at kahit na minsan ay nagkikita sila sa events ay dedma na rin siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
