Kuya Kim Atienza binatikos, nag-comment sa ‘single’ post ng babaeng netizen

TILA hindi nagustuhan ng isang netizen ang ginawa ng Kapuso trivia master na si Kuya Kim Atienza sa Threads.
Isang netizen kasi ang nag-post sa Reddit ng screenshot ng ginawang pag-comment ng “TiktoClock” host sa post ng isang babae sa Thread na may picture niya at nagsasabing siya ay single.
“Kuya Kim Strikes again! Matang Lawin talaga,” saad ng Redditor sa kanyang post.
Makikita sa screenshot ang mga selfie ng babae. Sa caption ng kanyang post, ibinahagi niyang Elena ang kanyang pangalan at siya ay 37 taong gulang. Sinabi rin niyang siya ay walang asawa at wala pang anak at may sinabi pang “age is just a number”.
Baka Bet Mo: Kuya Kim aminadong nagka-cutting classes para tumambay sa library
View this post on Instagram
“Hello Elena. My name is Kuya Kim but Kuya is not a name, it’s a term meaning older brother. I am almost 60, there are 60 seconds to a minute and 60 minutes to an hour. Thanks bye,” reply ng Kapuso TV host sa post ng babaeng netizen.
Agad ngang umani ng samu’t-saring komento mula sa madlang netizens ang naturang comment ni Kuya Kim.
Para sa ilan, hindi ito angkop, habang ang iba naman ay nagtaka kung bakit ganoon ang kanyang naging tugon.
“Mid life crisis is [waving], sorry Kuya Kim like ko ang advocacy mo for mental health pero ito medyo creepy na,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Showtime days niya pa lang noon pag naghahanap sila ng audience na lalapitan laging chix nilalapitan niyan tapos sasabihin nila Jugs ‘Matanglawin’, meron pa nga sobrang lala ng tukso sa kanya noon kase sobrang ganda nung chix kumambyo na sya ‘I have a wife and three children’ lol hahaha.”
“Hiwalay ba si Kuya Kim sa asawa niya? Ang weird kasi,” hirit naman ng isa.
Samantala, wala pa namang pahayag ang Kapuso trivia master hinggil sa isyung ito.
Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ni Kuya Kim tungkol sa naturang post.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
