Sikat na female celeb dedma sa 2 ex-BF, super rich manliligaw

Sikat na female celebrity dedma sa 2 ex-BF, bagong manliligaw super rich

Reggee Bonoan - June 18, 2026 - 12:26 PM
Sikat na female celebrity dedma sa 2 ex-BF, bagong manliligaw super rich

HINDI nakitaan ng tuwa o ngiti man lang sa labi ang kilalang female celebrity na nag-shoot sa isang probinsya na dinadayo ng foreigners.

Tila dedma ang female celebrity nang ibalita sa kanya na ang dalawa niyang ex-boyfriend ay parehong nasa lugar din kung saan siya nag-shoot.

Ang unang boyfriend ay kasama ang mga kaibigan at nagse-surfing samantalang ang ikalawa ay kasama ang ilang kaibigan na nagmo-motor naman.

“Magkaibang araw naman nakita sina ____ at ____ (mga ex-boyfriend) pero ang nakakatuwa pareho silang nandoon. Ha-hahaha! 

Baka Bet Mo: Sikat na aktres takot na takot sa lasing na aktor, ayaw nang makatrabaho

“Sabi sa front desk, madalas daw doon si ____ (ikalawang ex-dyowa) at ‘yung hotel kung saan kami nag-stay ay doon din pala sila naka-check in,” sabi ng aming source.

Dagdag pang tsika, “Sinabi kay ____ (aktres) na nandoon nga yung mga  ex-boyfriend niya. Pero walang reaksyon, parang wala siyang narinig,” kuwento ng taong nakasama sa shooting sa nasabing probinsya.

Ayon pa sa kausap namin, “E, baka siguro hindi na talaga siya interesado sa mga ex niya kasi may manliligaw na siya at super rich at feeling ko bet din naman niya.”

In fairness, ang haba-haba ng hair ng aktres at parehong guwapo ang ex-boyfriend na iniwan niya.

Samantalang ang bagong manliligaw ay hindi man kaguwapuhan kumpara sa naunang dalawa ay mabait daw at super lalim ng bulsa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending