Lider ng isang makabayang grupo nagpapasasa daw sa buhay

Den Macaranas |November 04,2020
share this

Lider ng isang makabayang grupo nagpapasasa daw sa buhay

Den Macaranas | November 04,2020 - 06:00 AM

Usap-usapan ngayon sa loob ng isang makabayang grupo ang maluhong pamumuhay ng isa sa kanilang iniidolong lider.

Makailang beses na kasing lumapit sa kanya para humingi ng ayuda o tulong ang ilan sa kanilang mga kasapi sa kilusan dahil nga naman sa hirap ng buhay dulot ng pandemya.

Pero imbes na tulong ay panunumbat pa ang napala ng mga ito.

Pinagbibintangan kasi ng lider na ito ang ilan sa kanilang mga kasapi na nagkutsabahan kaya kinapos ang pondo para sa isang malaki sanang pagtitipon na kanilang ginawa kamakailan.

In short, nagkabukulan daw sa budget kaya iilan lamang ang nakadalo sa kanilang ginawang political rally kuno.

Kaya nang lapitan para hingan ng konting tulong ang ating bida ay wala man lang itong iniabot na ayuda dahil sa hinalang nabiktima siya ng mga dorobo sa kanilang kilusan.

Ang ikinasasama ng loob ng kanilang mga kasapi ay nalaman nila na kamakailan lamang ay namili ng ilang high-end laptops ang ating bida para sa kanyang mga anak na nag-aaral sa isang mamahaling eskwelahan dito sa Metro Manila.

Habang sila nga naman ay nagtitiyaga sa kakaunting abot na tulong ay nagpapakasasa naman sa sarap ng buhay ang kanilang lider.

Dahil dyan ay kanya-kanya na muna sila ng diskarte samantalang ang ilan naman ay gusto na raw makipag-tulungan sa gobyerno para maisapubliko ang tunay na pagkatao ng mga lider nilang nagpapakilla na handang magsakripisyo alang-alang sa bayan.

Ang nagpapakilalang makabayang lider ng isang sikat na grupo na pinagdududahang sangkot rin sa pagnanakaw ng pondo ng kanilang samahan ay si Mr. T….as in Tililing.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending