outbrain

Playboy na personality problemado sa dami ng karelasyon

By Den Macaranas September 09,2020
share this

Playboy na personality problemado sa dami ng karelasyon

By Den Macaranas September 09,2020 - 05:55 AM

Sa tuwing sumasapit ang araw ng kanyang birthday, Pasko at valentine’s day ay problemado ang ating bida.

Sa mga ganitong panahon ay nauubos ang kanyang araw sa pag-iikot sa kanyang mga mahal sa buhay.

At kapag sinabi kong mahal sa buhay ito ay nangangahulugan na mga karelasyon bukod pa sa kanyang misis.

Ngayong valentine’s day ay tiyak na naman ang kumpetisyon sa kanyang mga lovey doves lalo na sa pasarapan sa pagluluto ng kare-kare na paboritong ulam ni Sir na dating mataas na opisyal ng gobyerno.

Kahit umay na umay na dahil maghapon siyang kakain ng kare-kare ay hindi siya pwedeng magreklamo dahil baka may magtampo sa kanyang mga karelasyon.

Bagama’t marami at patuloy pa sa pagdagdag sa kanyang mahabang listahan ng babae si Sir ay wala pa itong balak magpaawat sa kanyang bisyo na pambababae.

Sinabi ng aking cricket na meron na mamang bagong chiching si Sir maliban pa sa batambatang aktres na ibinahay niya sa US.

Ang nasabing aktres ay anak pa naman ng kanyang kaibigan na dating pulitiko na namatay na ilang taon na ang nakalilipas.

Tila immune na rin naman sa kundisyon ang misis ng ating bida kahit na sabihing paminsan-minsan na lamang ito kung umuwi sa kanilang bahay.

Ang baberong dating government official na tiyak na mapupurga na naman sa kare-kare ngayong valentine’s day ay si Mr. J…as in Jowa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending