outbrain

Panggugulang ng isang mambabatas nabuking

By Den Macaranas September 16,2020
share this

Panggugulang ng isang mambabatas nabuking

By Den Macaranas September 16,2020 - 10:45 AM

Muntik na palang magkagulo sa Batasan Pambansa kamakailan dahil sa panggugulang ng isang mambabatas sa kanyang mga kasamahan.

Sinabi ng aking cricket na nag-volunteer si Mr. Congressman na maging bastonero para hindi magalaw sa pwesto ang kanyang mga kaalyado sa Kamara.

Nakapag-deliver naman si Sir at naalis sa pwesto ang ilang committee chairmen na nakikita nilang magiging tinik sa lalamunan ng liderato ng mababang kapulungan.

Dahil dito ay napilitan ang ating bida na umiwas na makaharap ang ilang mga kapwa mambabatas lalo’t lumabas ang report na nakakuha siya ng malaking pondo para sa kanyang distrito sa isang malayong lalawigan sa Southern Luzon.

Sinabi ng aking cricket na tunay na trinabaho ni Sir na gumawa ng senaryo para palabasin na magkakaroon ng kudeta sa pamunuan ng Kamara.

Alam ito ng ilan sa kanyang mga kapwa kongresista pero dahil “kapalmuks” ang ating bida ay kaya pa rin niyang itaas ang kanyang noo sa gitna ng kontrobersiya.

Kahit na kinukwestiyon ng ilan ang kanyang pagkalalaki ay walang pakialam si Sir lalo’t umuulan daw ngayon ng proyekto sa kanyang distrito.

Pati ang kanyang ama na dati ring mambabatas ay napapailing na lang dahil sa pagiging sugapa umano sa kapangyarihan ng kanyang dating macho na anak.

Dati ko na ring naisulat sa column ang mambabatas na ito na naging dahilan kung bakit muntik maghirap ang isang mayamang actor na pilit niyang isinubo sa pulitika pero natalo.

Ang bida sa ating kwento ngayong umaga na sinasabing nakikinabang sa ilang mga proyekto sa kanyang distrito ay si Mr. L…as in Lalakwe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending