Bantay OCW Archives | Page 44 of 49 | Bandera

Bantay OCW Archives | Page 44 of 49 | Bandera

Hindi dapat makalimot

REGULAR na napakikinggan sa Bantay OCW sa Radyo Inquirer ang aming mga kasamahan mula sa iba’t-ibang panig ng mundo. Nariyan si Arlene Andes mula sa Belgium at si Berly Tugas ng France na laging may mga kuwento ng buhay paga-abroad ng ating mga OFW. Ngunit pareho sila ng obserbasyon. Kuwento nila, hindi nakukuntento sa iisang […]

Nasa pasaporte ang ebidensiya

OPISYAL ng barko si JP. Matagal na siyang sumasakay ng cruise line. May asawa at dalawa silang anak. Una pa lamang, tutol na si misis sa kaniyang desisyong mag-abrod. Ayaw nitong umalis si JP. Ngunit pangako niya sa asawa, mag-iipon lamang siya, magbabayad ng utang, magpapa-aral ng mga anak at hihinto rin sa pagbabarko. Mga […]

Hanggang papel lang ba ang panalo?

SA papel lang ba ako panalo? Ito ang tanong ni Froilan Bautista ng Nueva Ecija. Taong 2009 nang magsampa si Froilan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA)-Adjudication Office ng kasong illegal recruitment (Case No. RV10-02-0225) laban sa New Marc Ship Management, Inc. Makalipas ang dalawang taon ay nagdesisyon ito na pabor sa kanya. Nobyembre 15, […]

OFW na bumabalik na nakakahon

KAPAG umaalis ang OFW, may seat assignment ito bilang pasahero sa eroplano. Ngunit dahil sa mga di inaasahang pagkakataon, may nangyayari sa ating kababayan na bumabalik sa bansa na nakakahon na — isang cargo. Madalas nating marinig ang pangarap na magkaroon isang magandang kinabukasan para sa pamilya, kung kaya’t sila ay naga-abroad. Pero mahirap ang […]

Blood money dapat bang sagutin ng gobyerno?

MAY 17 taon na ang nakararaan, nagsisimula pa lang ang Bantay OCW, nang una naming marinig ang “blood money”. Sa ilalim ng Shariah Law, tulad din ng Batas Mosaico noong sinaunang panahon, ipinatutuang polisiyang “kapag buhay ang inutang, buhay rin ang kabayaran”. Sa Saudi Arabia, ipinatutupad ito, kahit sino pa ang involved, kahit magkababayan pa. […]

OFW, bagahe di nakarating sa bansa

NAGPADALA ng mensahe si Joevilyn Argamosa ng Bauan, Batangas sa pamamagitan ng Facebook account ng Bantay OCW na may kinalaman sa biyenang OFW. Umalis sa bansa noong 1982 si Arthur patungong Riyadh, Saudi Arabia. Mahabang panahon siyang nagtrabaho doon hanggang isang sulat ang natanggap ng kaniyang asawa na uuwi na ‘anya siya at hindi na […]

Ginutom at binugbog na, hindi pa pinasweldo

BUKOD sa pambubugbog at ginugutom pa, hindi rin pinasuweldo ng tatlong amo ng OFW na si Irene dela Virgen. Dumating na sa bansa ang 27-anyos na Irene mula sa Saudi Arabia, matapos ang masaklap na karanasang sinapit doon. Unang natanggap ng Bantay OCW ang reklamo ni Irene sa pamamagitan ng kaniyang tiyahin na si Marilyn […]

OFW balik-fixer na lang

DATING fixer si Winnie bago pa magtungo sa Dubai at magtrabaho doon bilang lady driver. Bawat papel o dokumento na lalakarin niya para sa ibang tao, may katumbas na kabayaran. May tatlong anak si Winnie at ito ang naging hanapbuhay niya sa mahabang panahon habang solong itinataguyod ang buhay ng mga anak. Nagtatrabaho pa noon […]

Problema ng isang run-away OFW

SA loob ng 17 taon pagbibigay ng serbisyo ng inyong Bantay OCW, sari-saring kaso ng mga OFW ang natunghayan ng programa. Pero karamihan sa mga kasong natatanggap namin ay may kinalaman pa rin sa ating mga kababayang humihingi ng tulong upang mapauwi ang kanilang mga kaanak mula sa ibayong-dagat. Katulad na lang nang makausap namin […]

Iniwan na nga, gusto pang utangan

SINAMAHAN ng dating complainant, na dumulog noon sa Bantay OCW, ang kanyang kapit-bahay para makahingi rin ng tulong sa programa. Kalmado pero detalyadong ikunuwento sa atin ni Marites ang problema niya. Kasal siya kay Bethjoven na isang OFW na ngayon sa Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia. Taong 2008 ay nag-abroad ang kanyang mister bilang sales […]

Pagkagutom sa abroad, kasama sa training?

NAKATANGGAP ng tawag ang bantay OCW mula sa Athens, Greece,. Isang OFW na nagngangalang Marilyn ang humingi sa atin ng tulong para sa pamangkin na nasa Saudi Arabia. Labis na nag-aalala si Marilyn para sa pamangking si Irene, na isang household service worker sa Al Rass, Qassim, Kingdom of Saudi Arabia. Disyembre 15, 2013 nang […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending