Jelai Andres 'di naghahanap ng jowa: Kuntento na ako sa sarili ko

Jelai Andres hindi naghahanap ng jowa: Kuntento na ako sa sarili ko

Ervin Santiago - July 06, 2026 - 01:55 AM
Jelai Andres hindi naghahanap ng jowa: Kuntento na ako sa sarili ko
Jelai Andres

GRABE ang kaligayahang nararamdaman ngayon ng social media personality na si Jelai Andres matapos mapawalang-bisa ang kasal nila ng rapper na si Jon Gutierrez.

Itinuturing ni Jelai na bagong chapter ng kanyang life ang pag-apruba sa annulment case nila ni Jon na ilang taon na rin niyang inaasam-asam.

Sa bago niyang vlog, ipinakita ni Jelai ang emotional moment nang ibalita niya sa kanyang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Ipinakita sa video ang katuwaan ng mga close friends ni Jelai nang malaman nila na finally ay legally single na uli siya.

Sey ng kaibigan at kapwa vlogger ni Jelai na si Zeinab Harake, “Kung alam niyo lang kung gaano niya katagal hinintay ‘to. 

“Siyempre ima-manifest natin ‘yung kasal na pang-habangbuhay. Hindi ‘yung prank relationship. Tama na tayo sa prank relationship, doon na tayo sa seryoso,” dagdag pa niya. 

Sa isang bahagi ng video, in-explain ni Jelai kung bakit mas pinili niyang maging single pagkatapos nilang maghiwalay ng dati niyang asawa.

Mas nag-focus daw kasi siya sa kanyang healing journey kesa pagtuunan nang pansin ang lovelife at pakikipagrelasyon.

“Pwede naman akong magjowa. Pero ako sa sarili ko, kumpleto kasi ako kahit wala siya. Hindi ko siya hinanap. After noon, naging masaya ako. Super saya ko,” sey ni Jelai.  

“After ng napagdaanan ko, parang super saya ko. Kumpleto ako. Super mahal ko yung sarili ko,” dagdag ng vlogger.

Pagpapatuloy pa niya, “Alam ko naman na healed na ako, pero ito ‘yung pinaka-end.” 

Isa pa sa mga super happy sa pag-apruba sa annulment case ni Jelai ay ang friend niyang aktres at vlogger na si Donnalyn Bartolome na naging saksi sa “darkest moments of her marriage.”

“I’m so happy for you. Thank you, Lord,” ani Donnalyn. 

Samantala, mapapanood din sa vlog ang isang footage ng pag-pray over kay Jelai at ang pag-iyak niya nang malamang na-grant na ang kanyang annulment.

“Masaya po ako kasi finally, officially, nawala na sa mundo ‘yung kasal. Ito ‘yung pinakamahirap na pinagdaanan ko na chapter ng buhay ko pero sobrang dami ko pong natutunan. 

“Kuntento ako sa sarili ko na mag-isa lang ako. Alam niyo ‘yung wala kang kaaway kundi sarili mo lang.

“Una, nakakuha ako ng peace of mind, naging masaya ako sa maliliit na bagay, na-enjoy ko ‘yung travelling, napansin ko ‘yung mga taong nagke-care sa akin, at lahat ng tao sa paligid ko gusto ko masaya lang,” sabi pa niya.

Patuloy pa niya, “After ko iyakan ‘yung mga tao na wala naman akong ginawang kasalanan sa kanila, nagdadasal talaga ako. Sabi ko ‘Lord, talaga bang nabuhay ako para may mga ibang tao na maging masaya?’ Nag-reply naman Siya. Sabi Niya lang, ‘Trust me.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Today, I choose peace, healing, and new beginnings. Here’s to closing one chapter and embracing the next,” ang sey pa ni Jelai.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending