Blood money dapat bang sagutin ng gobyerno? | Bandera

Blood money dapat bang sagutin ng gobyerno?

Susan K - February 12, 2014 - 03:00 AM

MAY 17 taon na ang nakararaan, nagsisimula pa lang ang Bantay OCW, nang una naming marinig ang “blood money”.

Sa ilalim ng Shariah Law, tulad din ng Batas Mosaico noong sinaunang panahon, ipinatutuang polisiyang “kapag buhay ang inutang, buhay rin ang kabayaran”.

Sa Saudi Arabia, ipinatutupad ito, kahit sino pa ang involved, kahit magkababayan pa.
Kapag may mga salang pagpatay sa Saudi Arabia, nakalabag siya sa tinatawag na public at private rights sa pamilya ng na-agrabyado, maaaring magbigay ng pardon ang hari para sa public rights. Gayunman, may katumbas pa rin itong pagkakulong.

Ang private rights naman ay sa pamilya — ito ang pagbibigay ng pamilya ng biktima ng affidavit of forgiveness sa nakapatay.

Kaakibat ng forgiveness ay ang blood money.

Hindi naman nangangahulugan na katumbas ito o kabayaran ng buhay na inutang o pinaslang, dahil wala naman talagang katumbas na halaga ang buhay. Ngunit hinihingi ito ng pamilya kapalit na rin ng kanilang kapatawaran.

At kapag ito ay natugunan, ang nagkasala ay hindi na pupugutan ng ulo, at maaari nang palayain matapos ang ilang taon na pagkakakulong.

Maraming mga nakabilanggo ngayon sa Saudi Arabia ang nasa death row, at naghihintay na lang ng kanilang araw.

May iba nang pamilya ng biktima ang hindi na rin nagbibigay ng affidavit of forgiveness at hindi humihingi ng blood money.

Tulad na lamang ng kaso ng isang Pinoy OFW na nakapatay ng isang taxi driver sa Saudi.

Dahil sa labis na galit ng ama ng napatay, inilibing niya sa harap ng kanilang bahay ang anak. Hindi bumigay sa hinihinging kapatawaran at blood money. Nais niyang makitang pinupugutan ng ulo ang salarin ng anak, na siya namang nangyari.

Matapos ang execution, walang marangal na libing ang ibinibigay sa mga nabitay. May common grave doon na itinatapon na lamang ang mga bangkay ng napugutan.

Dati malaki na ang P500,000 o P750,000 na blood money. Ngayon, sky is the limit na. Matindi na ang presyuhan.

Mula sa P20 milyon hanggang P45 milyon ang hinihingi.

Ito ngayon ang nagtulak kay Pangulong Aquino na bumuo ng permanenteng komite na hahawak sa mga kaso ng mga Pinoy na nangangailangan ng blood money. Dahil sa walang kontrol ang bansa sa kung magkano ang hihingin blood money ng pamilya ng biktima, sinisikap ng gobyerno na matugunan ito.

Walang nakalaang pondo para sa blood money.

Pero sinu-sino ba ang lehitimong dapat tulungan ng pamahalaan? Ang mga sadyang nagkasala at talaga namang napatunayang guilty sa kanilang krimen? O ang mga inosenteng biktima na pilit lamang iniuugnay sa naturang krimen?

Dahil maging dito sa Pilipinas, kapag may nahuli tayong ibang lahi, pinananagot natin sila ng kanilang mga kasalanan.

Maraming mga dayuhan ang nakakulong din sa ating bayan dahil sa iba’t ibang mga mga kaso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa ilang OFW, hindi naman dapat palaging nakatulong ang gobyerno sa mga Pinoy na napatunayan na nagkasala ng pagpatay. Hindi nagbibigay sa kanila ng karapatan ang pagiging OFW na umabuso at lumabag sa mga batas na ipinatutupad lalo pa’t nasa ibang bayan sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending