Anjo Yllana problemado sa P3.5-M danyos para sa kaso ng TVJ

Anjo Yllana problemado sa P3.5-M danyos para sa kaso ng TVJ

Ervin Santiago - July 06, 2026 - 01:18 PM

AMINADO si Anjo Yllana na hindi niya alam kung saan kukuha ng P3.5 million pambayad para sa hinihinging danyos ng “Eat Bulaga.

“Ito’y kaugnay ng pagpabor ng korte sa TVJ Productions na pag-aari ng iconic comedy trio nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, sa kasong isinampa nila laban kay Anjo o Andres Jose Garchitorena Yllana Jr. sa tunay na buhay.

Idinemanda ng TVJ si Anjo dahil sa mapanirang-puring mga pahayag nito laban sa mga host ng “Eat Bulaga” sa pamamagitan ng TikTok.

Inatasan ng korte si Anjo na magbayad ng P3.5 million bilang danyos sa TVJ Productions dahil nakasira umano sa reputasyon ng noontime show at ng mga host nito ang kanyang mga pinagsasabi.

Batay sa inilabas na resolusyon ng Branch 279 ng Regional Trial Court (RTC) ng Mandaluyong City kahapon, June 29, 2026, pumanig ang korte sa TVJ Productions sa isinampa nitong kasong injunction at damages laban sa dating host ng “EB.”

Baka Bet Mo: Anjo Yllana binanatan si Jose Manalo, naging dyowa si Mergene: Ahas!

Bukod dito, nagpalabas din ang korte ng permanent injunction laban kay Anjo Yllana na nagbabawal sa kanyang mag-post, mag-share, mag-broadcast o muling i-upload ang kanyang mga naging pahayag sa TikTok at iba pang social media at digital platforms.

Sinabi ng korte na hindi lisensiya ang freedom of speech para manira ng reputasyon ng ibang tao.

Samantala, sa isang episode ng “Showbiz Updates”, ibinalita ng host nitong si Ogie Diaz na nakausap niya si Anjo tungkol sa naturang kaso.

“Sinabi nitong honestly, hindi niya alam ang kanyang next move. Pero ‘yong mabayaran ‘yung P3.5 milyong bilang damages, hindi rin niya alam kung saan hahagilapin,” pahayag ni Mama Ogs.

Batay sa paliwanag ni Atty. Regie Tongol, hindi raw talaga madaling lusutan ang hinihinging danyos ng TVJ kay Anjo kahit pa sabihin nitong wala siyang pera. Kapag walang maibayad si Anjo sa complainant, maaaring kumpiskahin ng sheriff para ang mga ari-arian niya tulad ng mamahaling gamit kabilang ang kotse at painting.

Pwede rin daw sulatan ng sheriff ang mga TV network at iba pang company kung saan comnected kay Anjo para sa korte na idiretso ang talent fee nito para sa pagbabayad ng danyos.

Ngunit nasa batas din daw na may mga kagamitan na hindi pwedeng kumpiskahin sa akusado, tulad ng bahay ng pamilya, mga ordinaryong damit, at sweldo for the past four months sakaling mapatunayan na ito’y nakalaan para sa pamilya.

Nilinaw naman ni Atty. Regie na posible lamang itong mangyayari kung final na ang desisyon ng korte dahil maaari pang umapela si Anjo sa Court of Appeals sa loob ng 15 araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibig sabihin, hindi muna maglalabas ng writ of execution ang korte habang tuloy ang pagdinig sa kaso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending